top of page
shutterstock_309076955_resized_edited.jpg

1. Pagbuo ng Diyos Ayon sa Ating Imahe

 

a. Ayon sa Awit 50:21, anong pagkakamali ang ginawa ng mga Israelita sa kanilang pananaw tungkol sa Diyos?

 

Ang mga bagay na ito ay iyong ginawa, at ako'y nanahimik; I_________M_________ ako'y G________ mo. Ngunit ngayo'y S___________ kita, at ipinapataw ang paratang sa harapan mo.

Sagot:

Iniisip - Thought​

Gaya

Sinusuway

​​NOTE:
Kapag walang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos, ang tao ay bumubuo ng sarili niyang opinyon at binabago ang Diyos ayon sa kanyang sariling imahe. Ang ganitong pag-iisip ay laging magbubunga ng baluktot at mababang pagtingin sa Diyos, at tiyak na hahantong sa Kaniyang paghatol.

 

2. Maling Pagsamba


a. Ayon sa Juan 4:22, ano ang sinabi ni Jesus sa babaeng Samaritana sa balon ni Jacob tungkol sa kanyang sarili, sa kanyang mga kababayan, at sa kanilang relihiyon?

(1) S_________ ninyo ang hindi ninyo N___________.

Sagot:

Sinasamba(Worship)

Nakikilala (Know)

NOTE:

Ang pagsamba sa diyus-diyosan (idolatry) ay nangyayari kapag sinasamba natin ang sinuman o anuman maliban sa tunay na Diyos na buhay. Kapag walang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos, maging yaong nagpapakilalang mga Kristiyano ay maaaring mahulog sa ganitong pagkakamali. Gumagawa sila ng huwad na diyos sa kanilang isipan, at pagkatapos ay sinasamba nila ang diyos na sila mismo ang lumikha!

3. Hindi Pananampalataya o Kakulangan ng Pagtitiwala


a. Ayon sa Roma 10:14, ano ang ipinahihiwatig ng mga tanong ng Apostol Pablo tungkol sa pagkakilala sa Diyos?

Ngunit paano nga silang tatawag sa kanya na hindi nila sinampalatayanan? At paano sila S__________ sa kanya na hindi nila N____________? At paano sila makikinig kung walang mangangaral?

Sagot:

Sasampalataya (Believe)

Napakinggan (Heard)

NOTE:

Bagama’t ang talatang ito ay tumutukoy nang direkta sa pangangaral ng ebanghelyo, mayroon din itong mas malawak na kahulugan pagdating sa pagkakilala sa Diyos — paanong mananampalataya ang isang tao sa Diyos na hindi niya kilala?

Ito ay hindi lamang tumutukoy sa pananampalataya ng makasalanan tungo sa kaligtasan, kundi pati sa pananampalataya o pagtitiwala ng mananampalataya sa Diyos na kinakailangan upang mamuhay ng buhay na Kristiyano.

Gaya ng ating natutuhan mula sa Awit 9:10, ang mga nakakakilala lamang sa pangalan ng Diyos ang maglalagak ng kanilang pagtitiwala sa Kanya.

4. Walang Pakialam o Manhid na Pananaw Tungkol sa Kasalanan

Sa 1 Corinto 15:34, sinaway ng Apostol Pablo ang iglesia sa Corinto sapagkat may ilan sa mga nagpapakilalang mananampalataya sa kanila na walang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos. Ang kawalang kaalamang ito tungkol sa Diyos ay nagbunga ng dalawang mapanganib at nakahihiyang resulta.

Sila ay nasa isang kalagayang L_________.

Ang utos na “gumising” ay maaari ring isalin bilang “maging mahinahon” (NET) o “maging matino ang pag-iisip gaya ng nararapat” (NASB). Dahil hindi nila nakilala ang Diyos, sila ay namuhay na parang natutulog o lasing, na walang kamalayan sa panganib ng kasalanan at sa kahalagahan ng pamumuhay ayon sa kalooban ng Diyos.

Sagot:

Lasing (Drunken Stupor)

Sila ay N______________________. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na hamartánō, na ang ibig sabihin ay “magmintis sa tama o layunin.” Dahil nagkamali sila sa pag-unawa sa likas ng Diyos (na Siya ay matuwid), nagkamali rin sila sa paraan ng kanilang pamumuhay sa harapan Niya (na dapat ay matuwid).

Sagot:

Nagkasala (Sinning)

5. Lumalabag sa Batas

Ang salitang “walang batas/pagsuway sa batas” (lawlessness) ay tumutukoy sa kalagayang namumuhay nang hiwalay sa batas o kalooban ng Diyos. Ito ay ang pamumuhay na parang walang batas ang Diyos o na para bang hindi Siya kailanman nagbigay ng Kanyang kautusan sa tao. Isa ito sa pinakamalubhang bunga ng kamangmangan o kawalan ng kaalaman tungkol sa Diyos.

a. Anong kaalaman o pang-unawa ang ibinibigay ng Kawikaan 29:18 tungkol sa mga kahihinatnan ng kakulangan ng kaalaman tungkol sa Diyos?

Kung saan walang P__________ o pangitain mula sa Diyos, ang mga tao ay nawawalan ng pagpipigil sa sarili;
ngunit M____________ ang sumusunod sa Kautusan.

Sagot:

Pahayag (Prophetic Vision)

Mapalad (Blessed)

NOTES:

Sa kontekstong ito, ang mga salitang “prophetic vision” ay hindi tumutukoy sa isang mahimalang panaginip o bisyon, kundi sa kapahayagan ng pagkatao at kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng Kasulatan.
Kapag walang kaalaman tungkol sa likas at kautusan ng Diyos, ang mga tao ay nabubuhay nang walang pagpipigil o disiplina.

Ang pariralang “cast off restraint” ay nagmula sa salitang Hebreo na para, na ang ibig sabihin ay “pakawalan sa pagpipigil” o “kumilos nang walang gabay.”
Ang mga walang kaalaman tungkol sa Diyos o sa Kanyang kalooban ay nabubuhay sa kasalanan nang walang pagpigil at kumikilos na parang sila mismo ang namumuno, hiwalay sa Diyos.

Makikita natin ang halimbawa nito sa Aklat ng mga Hukom (Judges):

“Noong mga araw na iyon ay walang hari sa Israel; bawat isa ay gumagawa ng tama ayon sa sarili nilang paningin.”
— Hukom 17:6; 21:25

b. Sa Hosea 4:1–2, sinasaway ng Panginoon ang bansang Israel dahil sa kanilang kamangmangan tungkol sa Diyos at inilalarawan Niya ang uri ng kasamaan na laging kasama o bunga ng ganoong kamangmangan. Ilista ang mga tiyak na kasalanan.

(1) Walang K_____________________ (v.1).
(2) Walang T___________________ na P________________ (v.1).
(3) P________________________ (v.2).
(4) P________________________ (v.2).
(5) P_______________________ (v.2).
(6) P________________________ (v.2).
(7) P_______________________ (v.2).

Sagot:

(1) Walang Katapatan(No Faithfulness)

(2) Walang Tapat na Pagibig (Steadfast Love)

(3) Panunumpa (Swearing)

(4) Pagsisinungaling (Lying)

(5) Pagpatay (Murder)

(6) Pagnanakaw (Stealing)

(7) Pangangalunya (Adultery)

NOTES:

Nakikita mo ba ang mga pagkakahalintulad sa pagitan ng mga kasalanang matatagpuan sa Israel dahil sa kanilang kawalan ng pagkakilala sa Diyos at ng pag-uugali ng ating lipunan ngayon? Ang batas ng Diyos ay hindi nagbabago, at ang pagiging makasalanan ng tao ay hindi nawawala. Habang higit nating tinatanggihan ang kaalaman tungkol sa Diyos, lalo tayong nagiging mapusok at imoral!

6. Hatol ng Diyos at Pagkawasak

Ito ang pinakanakakakilabot na bunga ng kawalan ng pagkakilala sa Diyos. Ano ang itinuturo sa atin ng mga sumusunod na talata tungkol sa katotohanang ito?

a. Hosea 4:6

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

Posibleng sagot:

Dahil tinanggihan ng mga tao ang kaalaman tungkol sa Diyos, tumalikod sila sa Kanyang katotohanan at namuhay sa kasalanan at paghihimagsik. Bilang resulta, dinala ng Diyos ang Kanyang hatol sa kanila at nilipol sila bilang isang bansa. Maging ang mga saserdote na dapat nagtuturo at nangunguna sa pagsamba ay itinakwil din dahil nabigo silang tuparin ang kanilang tungkulin at nakiayon pa sa kasalanan ng bayan. Ibig sabihin, nawalan ng kabuluhan ang kanilang mga relihiyosong gawain dahil malayo ang kanilang puso sa Diyos. Bukod pa rito, dahil kinalimutan nila ang kautusan ng Diyos, sinabi ng Diyos na kakalimutan din Niya ang kanilang mga anak, na nangangahulugang pati ang susunod na henerasyon ay magdurusa dahil sa kanilang pagsuway.

NOTES:

Ang kawalan ng kaalaman tungkol sa Diyos ay lubhang mapanganib. Ito ay humahantong sa pagiging itinakwil bilang kasangkapan ng Diyos at sa tuluyang pagkawasak ng tao at ng lipunan. Ang ating kawalan ng pagkakilala sa Diyos ay magkakaroon din ng mapaminsalang epekto sa mga susunod na henerasyon pagkatapos natin.

b. Romans 1:18

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

Posibleng sagot:

Bagama’t malinaw na ipinahayag ng Diyos ang Kanyang sarili mula pa nang likhain ang sanlibutan, pinipigilan ng mga taong ito ang katotohanan. Ito ang dahilan kung bakit ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang poot laban sa mga nagtatakip o sumasawata sa katotohanan—iyan ay ang lahat ng taong walang paggalang sa Diyos at namumuhay sa kalikuan.

NOTES:

Ang poot ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang matuwid na galit laban sa makasalanang tao. Mahalaga ring tandaan na ang tao ay hindi isang biktima. Itinuturo ng Biblia na ang taong nahulog sa kasalanan ay napopoot sa Diyos (Roma 1:30) at laban sa Kanyang kautusan (Roma 8:7). Dahil sa kasamaan at kalikuan ng tao, kanyang tinatanggihan, binabalewala, at pinipigilan ang katotohanan tungkol sa kalikasan at kalooban ng Diyos.

bottom of page