top of page
< Back

Proverbs 1:8-9 Pahalagahan ang Karunungan ng Iyong mga Magulang

Proverbs 1:8-9 ABAB
“Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang aral ng iyong ina; sapagkat sila’y magandang korona sa iyong ulo, at mga kuwintas sa iyong leeg.”


Panimula


Bago itong sulat na ito, pinag-aralan natin ang "ano" at ang "sino" sa Aklat ng mga Kawikaan.

"Ano" dahil sinasagot nito ang tanong: Anong mga pakinabang ang maaari nating makuha sa Aklat ng mga Kawikaan? "Sino" dahil sinasagot nito ang tanong: Sino-sino ang makikinabang sa Aklat ng mga Kawikaan? Pinag-aralan din natin dati ang kahulugan at kahalagahan ng pagkatakot sa Panginoon:


1. Ang pagkatakot sa Panginoon ang pintuan patungo sa pagtatamo ng kaalaman.

2. Ang pagkatakot sa Panginoon ay mahalaga hindi lamang sa pagkuha ng espirituwal na kaalaman kundi maging sa sekular na kaalaman, sapagkat sinadya ng Diyos na likhain ang lahat ng bagay para sa Kanyang karangalan.

3. Ang takot ay binibigyang-kahulugan bilang paggalang at pagpaparangal (reverence and respect).


Ayon sa Banal na Kasulatan, ang pagkatakot sa Panginoon ay nangangahulugan ng:


1. Pagmamahal sa Kanyang mga utos.

2. Pag-iingat at pagsunod sa Kanyang mga utos.

3. Pagkilala sa Kanyang kapangyarihan at awtoridad sa lahat ng bagay.


Dito sa Kawikaan 1:8-9,  hinihikayat ng orihinal ng may-akda na pahalagahan ang karunungan ng ating mga Magulang at bibigyan diin natin ito sa dalawang bahagi base sa texto ng talata.


I. Mga Turo para sa mga Anak

Ako ay namamangha sa paraan ng pagkakasulat ng may-akda sa librong ito. Una niyang inihayag ang mga pakinabang at ang mga makatatanggap ng librong ito. Pagkatapos, ipinaliwanag niya kung paano tayo nakakakuha ng kaalaman.

Sa mga talatang ito, makikita natin ang kahalagahan ng awtoridad ng mga magulang. Bakit?

Sapagkat tayong lahat ay naging mga bata rin, at ang ating mga magulang ang mga unang taong nagtuturo sa atin ng maraming bagay.

Mahalaga ito para sa bawat isa sa atin. Magagamit ng mga magulang ang talatang ito upang ipaalala sa kanilang mga anak: “Anak, makinig ka sa iyong mga magulang.” Ang parehong mga salitang ito ay inulit sa Kawikaan 6:20:

"Anak ko, ingatan mo ang utos ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang turo ng iyong ina."


A. Makinig sa Turo ng Iyong Ama

Ang turo ng isang ama ay karunungan para sa kanyang mga anak. Ang Bibliya ay nagbibigay ng maraming dahilan kung bakit dapat makinig ang mga anak sa turo ng kanilang ama.

Sa Kawikaan 5:1–2, makakakita tayo ng dalawang dahilan:

1. Upang maingatan mo ang diskresyon (ang kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasya at pagpili).

2. Upang ang iyong mga labi ay mag-ingat ng kaalaman.

Nangangahulugan ito na kapag ikaw ay nasa isang mahirap na sitwasyon, ang karunungang natutunan mo sa iyong ama ang magpapaalala sa iyo ng tamang bagay na dapat gawin.


Kawikaan 5:1–2

"Anak ko, mag-ukol ka ng pansin sa aking karunungan; ikiling mo ang iyong tainga sa aking pag-unawa; upang ikaw ay makapanatili sa pagpapasya, at ang iyong mga labi ay makapag-ingat ng kaalaman."


Mga halimbawa sa Bibliya:


1. Si Isaac na Nakikinig kay Abraham

Sumunod si Isaac sa kanyang tatay na si Abraham nang utusan si Abraham na ialay siya bilang hain.

Kuwento: Matatagpuan sa Genesis 22.

Kusang sumama at nagpasakop si Isaac kay Abraham, kahit nang ma-realize niyang siya pala ang ialay na hain. Ipinapakita nito ang pagtitiwala, pagpapasakop, at pananampalataya.


2. Si Jose na Sumusunod kay Jacob

Nakinig si Jose sa kanyang amang si Jacob nang isugo siya upang kumustahin ang kanyang mga kapatid.

Talata: Genesis 37:13–14

"Hindi ba ang iyong mga kapatid ay nagpapakain ng kawan sa Sichem? Halika, isusugo kita sa kanila.” At sinabi niya sa kanya, “Narito ako.”

Agad na sumunod si Jose, kahit na ang paglalakbay na iyon ay naging mapanganib para sa kanya kalaunan.


3. Ang Matalinong Anak sa Kawikaan

Paulit-ulit na itinuturo ng Aklat ng mga Kawikaan na ang isang matalinong anak ay nakikinig sa turo ng kanyang ama.

Mahahalagang Talata: Kawikaan 1:8, Kawikaan 13:1

"Dinidinig ng pilosopong anak ang turo ng kanyang ama, ngunit ang nanlilibak ay hindi nakikinig sa saway."

Ito ay isang pangkalahatang prinsipyo na nagbibigay-diin sa karunungan at pagiging bukas sa turo (teachability).


4. Si Solomon na Tumatanggap ng Turo ni David

Tumatanggap si Solomon ng turo mula sa kanyang amang si David tungkol sa paglalakad sa mga daan ng Diyos.

Talata: 1 Mga Hari 2:1–3

Inutusan ni David si Solomon na tuparin ang mga utos ng Diyos at lumakad nang may pagtatapat sa harap Niya. Inuugnay nito ang pagsunod sa karunungan ng Diyos sa pamumuno.


5. Ang Pinakadakilang Halimbawa: Si Cristo

Ang pinakadakilang halimbawa ng pagsunod sa turo ng isang Ama ay si Cristo Mismo.

Si Jesus na sumusunod sa Kanyang Ama sa Langit

Mahahalagang Talata: Juan 6:38, Filipos 2:8, Lucas 22:42

"Huwag ang kalooban ko, kundi ang iyo ang masunod."

Ipinapakita nito ang perpektong pagsunod, kababaang-loob, at pagtitiwala sa kalooban ng Ama.


B. Huwag Tanggihan ang Turo ng Iyong Ina

Madalas, ang ama ay malayo at nagtatrabaho upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Dahil dito, ang ina ay mas madalas na nakakasama ng mga anak. Ang mga nanay ang karaniwang nagtuturo ng marami sa mga batayan at praktikal na aral sa buhay.

Sa Banal na Kasulatan, makakakita tayo ng isang tapat na ina na inialay ang kanyang anak sa Panginoon—si Ana (Hannah). Ang kanyang anak ay si Samuel.

Habang lumalaki si Samuel, lumakad siya ayon sa godly influence ng kanyang ina at ginamit siya nang makapangyarihan ng Diyos. Si Samuel ang naging propeta na ginamit ng Diyos upang pahiran ng langis ang isa sa pinakamahahalagang tao sa kasaysayan ng Israel—si David.

Ito ang dahilan kung bakit mahalagang alalahanin ang mga turo ng iyong ina, lalong lalo na kapag siya ay lumalakad ng matuwid ayon sa kalooban ng Diyos, sapagkat tinutulungan ka na lumakad din ayon sa kalooban ng Panginoon.


Ilustrasyon:

Sinaway ng isang ina ang kanyang anak na kumain ng gulay ngunit hindi ito sumunod. Dahil dito, nagkasakit ang anak at kailangang dalhin sa ospital.

Mga anak, ingatan ninyo ang mga turo ng inyong ina. Itago ninyo ang mga ito sa inyong puso at pahalagahan.


II. Ang Kahalagahan ng Pagsunod sa mga Turo


Ito ay isang metapora na nagpapakita kung gaano kahalaga ang turo ng magulang. Ito ay inihahalintulad sa mamahaling alahas.

Ano ang ibig sabihin nito?


1. Ang Karunungan at Kaalaman ay Nagningning

"sapagkat sila’y magandang korona sa iyong ulo, at mga kuwintas sa iyong leeg.”


Ang ibang mga salin ay gumagamit ng mga pariralang "palamuti ng biyaya" (ornament of grace - KJV) at "magandang korona" (graceful garland). Parehong tumutukoy ang mga ito sa isang bagay na maganda at mahalaga, tulad ng alahas o palamuti. Pansinin kung saan inilalagay ang mga palamuting ito—sa ulo.


Ilustrasyon:

Kapag ang isang babae ay nagsuot ng magandang headband o ang isang lalaki ay nagsuot ng magandang sombrero, ano ang napapansin ng mga tao?


"Wow, ang ganda ng headband mo."

"Mukha kang maganda."

"Bagay na bagay sa iyo ang sombrero mo."


Iyan ang epekto ng turo ng iyong mga magulang. Kung iingatan at papahalagahan mo ang kanilang karunungan sa iyong isipan, sa huli ay masasalamin ito sa iyong buhay, at mapapansin ng mga tao ang karunungan at kaalaman na taglay mo.


2. Inihahayag ang Mabuting Katangian (Good Character)

Hindi lamang ang ulo/isip ang naapektuhan ng turo ng magulang; maging ang puso ay naapektuhan din.

Sinasabi ng Bibliya na ito ay magiging tulad ng kuwintas sa palibot ng iyong leeg.

Naniniwala ako na sumisimbolo ito sa mabuting karakter na kitang-kita sa iyong buhay.

Gulat na sinabi ni John Gill:

“So good works, done in obedience to God and parents, are ornaments of great price, and preferable to any outward adorning.”

Ito ay maihahambing sa kagalang-galang na babaeng inilarawan sa 1 Timoteo 2:9.


Aplikasyon
  • Pahalagahan ang Ikalimang Utos.

  • Magpasalamat sa Diyos para sa iyong mga magulang.

  • Ipanalangin na akayin ka ng iyong mga magulang ayon sa Salita ng Diyos.


Panawagan sa Pagpapanibagong-loob (Evangelistic Call)


Si Cristo ang pinakadakilang halimbawa ng isang taong nagpahalaga at sumunod sa kalooban ng Kanyang Ama. Kahit na ito ay masakit, kahit na iinumin Niya ang saro ng poot ng Diyos, sinabi pa rin Niya:


"Huwag ang kalooban ko, kundi ang iyo ang masunod."

(Lucas 22:42; Mateo 26:39; Marcos 14:36)


Nawa'y sundin natin ang halimbawa ni Cristo sa pamamagitan ng pagpapakinig at pagsunod sa banal na turo na ibinigay sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga magulang. Kung ikaw man ay nagkasala sapamamagitan ng pagsuway sa pang limang utos, merun pang pagasa habang ikaw ay nabubuhay, Si Kristo ang siyang Panginoon at Tagapagligtas ng mga taong nagsisi at sumampalataya sa kanya. 




Reference:

1 https://www.preceptaustin.org/proverbs-1-commentary-bob-utley#1:8

2 John Gil commentary on Prov 1:9, https://biblehub.com/commentaries/proverbs/1-9.htm

bottom of page