top of page
shutterstock_309076955_resized_edited.jpg

ANG DAKILANG PINAGMUMULAN NG KAALAMAN

Natutuhan na natin ngayon ang tatlong mahahalagang katotohanan:
(1) Hinimok tayo ng Diyos na Siya’y hanapin,
(2) Nangako Siyang ipapahayag Niya ang Kanyang sarili sa mga humahanap sa Kanya, at
(3) Ang mga matuwid ay tunay na naghahanap sa Kanya.

Ilan ito sa mga dakilang katotohanan ng pananampalataya. Gayunman, nananatili ang isang mahalagang tanong:

“Paano natin hahanapin ang kaalaman tungkol sa Diyos?”

Ang sagot ay pundasyon ng buhay Kristiyano:

Hinahanap natin ang kaalaman tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng taimtim na pananalangin at masusing pag-aaral ng Kanyang Salita — ang Banal na Kasulatan.

Pag-aaralan pa natin ito nang mas malalim sa mga susunod na kabanata, ngunit sa puntong ito, dapat nating maunawaan na ang Kasulatan lamang ang dakilang pinagkukunan ng kaalaman tungkol sa Diyos para sa mga mananampalataya.

1. Ayon sa mga sumusunod na talata, bakit ang Kasulatan lamang ang tunay na mapagkakatiwalaang pinagkukunan ng kaalaman tungkol sa Diyos?

a. Ano ang sinasabi ng 2 Timoteo 3:16 tungkol sa Kasulatan?

A. Ang lahat ng Kasulatan ay B____________ O________. ng Diyos at kapaki-pakinabang sa pagtuturo, pagsaway, pagtutuwid, at pagsasanay sa katuwiran.

Sagot:
Breathed (Hiningahan)

Out

Paliwanag:
Ang salitang “hiningahan” ay literal na nangangahulugang “God-breathed.” Ito ay mula sa salitang Griyego na theópneustos (theós = Diyos, pnéō = huminga).
Ang salitang “lahat” ay napakahalaga sapagkat ipinapahayag nito na ang kabuuan ng Kasulatan ay nagmula sa bibig ng Diyos, kaya ito ay walang pagkakamali at ganap na mapagkakatiwalaan.

b. Ano ang sinasabi ng Awit 12:6 tungkol sa pagiging mapagkakatiwalaan ng Kasulatan?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

  

Personal na sagot:
Ang Kasulatan o ang Salita ng Diyos ay mapagkakatiwalaan sa nilalaman nito at ang mga salita nito ay dalisay. Ito ay hiningahan mula sa bibig ng banal at matuwid na Diyos at ito ay walang halong kasamaan or karumihan. Kaya't ang bawat salita dito ay mapagkatiwalaan.

Paliwanag:
Ang paglilinis o pagsasalin ng pilak ay ginagawa sa pamamagitan ng matinding init hanggang sa lumitaw sa ibabaw ang mga dumi upang ito’y alisin. Kapag ito’y dumaan sa prosesong ito ng “pitong ulit,” ipinahihiwatig nito ang ganap na kadalisayan at pagiging mapagkakatiwalaan ng Salita ng Diyos.

2. Yamang ang Kasulatan lamang ang walang pagkakamaling pinagmumulan ng kaalaman tungkol sa Diyos at sa Kanyang kalooban, ano dapat ang ating tugon? Ano ang itinuturo ng mga sumusunod na talata?

a. 2 Timoteo 2:15

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Personal na sagot:

Itinuturo nito na dapat tayong mag-aral nang masikap — hindi lamang basta nag-aaral, kundi ginagawa ang ating buong makakaya upang ipakita ang ating sarili na kalugud-lugod sa Diyos.

b. Ezra 7:10

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Personal na sagot:

Dapat nating ituon ang ating puso sa pag-aaral ng Kasulatan. Ibig sabihin nito ay dapat tayong maging matibay ang loob at determinado na pag-aralan ang Salita ng Diyos upang maituro natin ito nang wasto sa iba.

Paliwanag:
Ginawa ni Ezra ang iniuutos ni Pablo sa 2 Timoteo 2:15 — siya ay masigasig sa pag-aaral ng Kasulatan. Pansinin ang kabuuan ng tugon ni Ezra sa Salita ng Diyos:

  1. Pinag-aralan niya ang Kasulatan.

  2. Isinagawa o sinunod niya ang Kasulatan.

  3. Itinuro niya ito sa iba.
    Tayo rin ay dapat gumawa ng ganoon!

3. Ang Paghahanap sa Diyos sa Pamamagitan ng Pananalangin

Binanggit natin na dapat nating hanapin ang kaalaman tungkol sa Diyos hindi lamang sa masusing pag-aaral ng Kasulatan, kundi rin sa pananalangin. Ang pananalangin ay isang mahalagang bahagi ng buhay Kristiyano, lalo na pagdating sa pagkilala sa Diyos at pag-unawa sa Kanyang Salita.

Narito ang dalawang halimbawa ng pananalangin para sa mas malalim na pagkilala sa Diyos at sa Kanyang kalooban. Ano ang ipinangako ng mga ito, at paano natin ito maisasagawa sa ating sariling pagnanais na makilala ang Diyos?

a. Awit 119:18

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Personal na sagot:

Ang Salita ng Diyos ay kapahayagan kung sino at ano ang Diyos. Kailangan natin ang Banal na Espiritu upang makita at maunawaan ang mga espirituwal na katotohanan (1 Corinto 2:14).
Ang mang-aawit ay nananalangin para sa espirituwal na pang-unawa, humihiling sa Diyos na buksan ang kanyang mga mata upang makita ang kagandahan ng Kanyang Salita.
Ang Diyos na tapat ay magkakaloob ng Espiritu ng pang-unawa (Santiago 1:5; Kawikaan 2:3–6).

Pagsasabuhay:
Dahil tayo ay nasa laman at ang kasalanan ay madalas nagpapalabo sa ating pag-iisip, kailangan nating manalangin nang taimtim at tuluy-tuloy, humihingi sa Diyos na buksan ang ating mga mata upang maunawaan ang Kanyang batas at katotohanan.

b. Jeremias 33:2–3

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Personal na sagot:

Una sa lahat, itinatag ng talata na ang Diyos ay Manlalalang — ang lumikha at nagtatag ng lahat ng bagay. Pagkatapos, inanyayahan Niya ang bawat isa: “Tumawag ka sa Akin, at ako’y sasagot sa iyo, at ipakikita ko sa iyo ang mga dakila at kamangha-manghang bagay na hindi mo pa nalalaman.”

Ito ay dakilang paanyaya para sa bawat Kristiyano na pagsumikapang makilala ang Diyos. Isa rin itong magandang pangako — na ang ating Diyos ay sasagot sa mga tumatawag sa Kanyang pangalan at magpapakita ng mga kamangha-manghang bagay na hindi pa natin nauunawaan.

Personal na Reflection sa mga Estudyante:

(Kung maari isa isa silang tanungin)

​1. Paano nakakatulong ang Salita ng Diyos sa inyo upang mas lalong makilala ang Diyos? 

2. Matibay ang pangako ng Diyos na kapag ikaw ay tumawag sa Diyos, ikaw ay kanyang sasagutin, Mayroon bang panahon na hindi ka sinasagot o wala kang nakitang sagot mula sa Diyos, anu ang ating magiging tugon?

Posibleng sagot:

Ang kontexto ng ating pag aaral ay panalangin upang mas lalo nating makikilala ang Diyos, hindi tumawag sa kanyang pangalan 

​upang masunod ang ating laman. Mayroon mga panahon na hindi sinasagot ng Diyos ang mga panalangin.

  • Kapag ang tao ay nagpakasasa sa kasalanan (Psalms 66:18)

  • Kapag merun kang unconfessed sin na tinatago (Isaiah 59:2)

  • Kapag hindi mo sinusunod ang batas ng Diyos (Prov 28:9)

  • Kapag ang panalangin ay pansariling interes (James 4:3)

  • Kapag ang relation mo sa asawa mo ay hindi na resolba (1 Peter 3:7)

3. Sinasagot ba ng Diyos ang panalangin ng wala sa Diyos?

Maaring sagot: HINDI, sa ibaba ang mga patunay sa Bibliya. Ang Diyos ay sasagutin ang mga panalangin ng mga nagsisisi at sumampalataya kay Kristo.

Prov 15:29

Isaiah 59:2

John 9:31

Romans 10:13

bottom of page