
Kabanata 13: Ang Diyos ay Makapangyarihan sa Lahat (Omnipotent)
Ang salitang “omnipotent” ay nagmula sa salitang Latin na omnipotens (omnis = lahat + potens = makapangyarihan) at tumutukoy sa katangiang pagkakaroon ng walang hanggan o walang limitasyong kapangyarihan.
Tungkol sa Diyos, ang salitang ito ay nangangahulugang kaya Niyang gawin ang lahat ng Kanyang ipinasiya, at walang sinuman o anumang puwersa ang makakahadlang sa Kanya o makapipilit sa Kanya na gawin ang kabaligtaran. Ang pagsasabing kaya ng Diyos ang lahat ng bagay ay nangangahulugang kaya Niyang gawin ang lahat ng naaayon sa Kanyang banal, matuwid, at mapagmahal na kalikasan.
Hindi Niya kayang kontrahin ang Kanyang sarili—hindi Siya maaaring maging malupit o makasarili; hindi Siya maaaring magsinungaling; hindi Niya maaaring sirain ang Kanyang pangako; at hindi Niya maaaring gawin ang mga bagay na walang katuturan (halimbawa: gawing parisukat ang bilog, gumawa ng tatsulok na may apat na sulok, o lumikha ng batong napakabigat na hindi Niya kayang buhatin). Para sa Kristiyano, ang pagiging makapangyarihan sa lahat ng Diyos ay nagbibigay ng ganap na pagtitiwala. Ang Diyos ay may kapangyarihang tuparin ang lahat ng Kanyang ipinangako. Para naman sa hindi nananampalataya, ang kapangyarihang ito ng Diyos ay nagdudulot ng takot, sapagkat walang sinuman ang makalalaban sa Kanyang kalooban o makatatakas sa Kanyang paghatol.
I. ANG TITULO NG DIYOS NA NAGPAPATUNAY NG KANYANG PAGIGING MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT.
1. Sa Kasulatan, ang pangalan ng isang tao ay may malaking kahalagahan sapagkat madalas nitong ipinapakita ang kanyang pagkatao. Ano-ano ang mga pangalan at titulo na ibinigay sa Diyos sa mga sumusunod na Kasulatan?
a. God A (ALMIGHTY)____________________ (Genesis 17:1; Revelation 4:8; 19:6).
b. The Lord S(STRONG)_______________and M(MIGHTY)__________________ (Psalm 24:8).
c. A R(ROCK)____________ of Refuge (Psalm 31:2).
d. A S(STRONG)_______________T(TOWER)____________(Psalm 61:3).
e. M(MIGHTY)_________________ God (Isaiah 9:6; Isaiah 10:21).
f. He who is M(MIGHTY)________________ (Luke 1:49).
II. ANG KAKAYAHAN NG DIYOS AY NAGPAPATUNAY NG KANYANG PAGIGING MAKAPANGYARIHAN
2. Ano ang itinuturo ng mga sumusunod na Kasulatan tungkol sa pagiging makapangyarihan sa lahat (omnipotence) ng Diyos? Mayroon bang anumang bagay na lampas sa kapangyarihan ng Diyos?
a. Jeremias 32:17, 27
Sagot: Ang bersikolo 17 at 27 ay may iisang punto na nagpapatunay ng pagiging makapangyarihan ng Diyos. Ang sabi dito ay ganito: Walang bagay na napakahirap sa Diyos. Hindi katulad ng mga tao kung saan, ang ating lakas ay limitado lamang sa kapasidad ng kanilang katawan at makakaya. Ngunit sa Diyos lahat ay madali sa kanya.
b. Matthew 19:26 (Luke 1:37)
Sagot: Ang Bersikolong ito ay nagpapatunay na walang impossible sa Diyos. Lahat ay kaya niyang gawin. Sa atin pananaw ay tila impossible, ngunit sa Diyos lahat ng bagay na gugustuhin niya ay tiyak na mangyayari.
III. ANG KATUPARAN NG KANYANG LAYUNIN AY PATUNAY NA ANG DIYOS AY MAKAPANGYARIHAN
3. Isa sa pinakamahalagang implikasyon ng pagiging makapangyarihan sa lahat (omnipotence) ng Diyos ay tinitiyak nito sa atin na kaya Niyang isakatuparan ang lahat ng Kanyang ipinasyang gawin. Ano ang itinuturo sa atin ng mga sumusunod na Kasulatan tungkol sa katotohanang ito?
a. Job 42:1–2, Psalm 115:3, Daniel 3:35
Sagot: Ang mga talatang ito ay nagpapatunay na Lahat ng gustong gawin ng Diyos, lahat ng kanyang layunin ay kanyang magagawa, walang makakahadlang dito dahil siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat.
b. Psalm 135:5-6
Sagot: Marami tayong alam na mga diyos-diyosan, ngunit lahat ng ito ay mga patay at walang wala sa tunay na Diyos na dakila. Sabi ng talata, anuman na kanyang kinalulugdang gawin sa kanyan mga nilikha ay kayang kaya niyang gawin ng walang kahirap hirap.
d. Isaias 14:24, 27
Sagot: Ang mga talatang ito ay nagpapatunay ng Soberanya ng Diyos. Sapagkat ito ay nagpapatukoy na ang lahat ng balak at panukala ng Diyos ay tiyak na matutupad.
f. Efeso 1:11
Sagot: Ang matatanggap nating mana, ay nilagtag na ng Diyos noong una pa lang. Ito ay kanyang layunin at ito ay matutupad.
IV. ANG DIYOS NA BUHAY AT WALANG HANGGAN AY NAGPAPATUNAY NA SIYA AY MAKAPANGYARIHAN.
4. Sa Kasulatan, ang pagiging makapangyarihan sa lahat (omnipotence) ng Diyos ay isa sa mga katangiang malinaw na nagtatangi sa Kanya mula sa mga walang buhay na diyus-diyosan na karaniwang nililikha ng tao. Basahin ang Awit 115:3–11, at pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong.
a. Sa Awit 115:3–8, paano inihahambing ang makapangyarihang Diyos ng Kasulatan sa mga walang kabuluhang diyus-diyosan ng mga tao?
b. Ayon sa Awit 115:9–11, paano dapat tumugon ang mga mananampalataya sa katotohanang ito?
V. ANG KAHALAGAHAN NG PAGIGING MAKAPANGYARIHAN NG DIYOS SA MANANAMPALATAYA
5. Ang kapangyarihang walang hanggan ng Diyos (omnipotence) ay may malaking kahalagahan para sa Kristiyano na nagtitiwala sa Kanya, sa Kanyang kalooban, at sa Kanyang mga pangako. Ayon sa mga sumusunod na Kasulatan, ano ang ibig sabihin ng kapangyarihan ng Diyos para sa atin na sumasampalataya?
a. Josue 23:14
Sagot: Ang talata ay malinaw na nagsasabi na ang mga pangako at ang kanyang mga Salita na binitawan ay hindi kailanman nagkulang at hindi kailanman nagbigay ng kabiguan sa kanyang mga tao.
b. Awit 121:4–5
Sagot: Ang talata ay nagsasabi na ang Diyos ay siyang nagiingat sa atin. Ang patunay din na siya ay makapangyarihan ay dahil siya ay hindi kailanman natutulog at kailanman hindi nagpapahinga.
c. Roma 8:31
Sagot: Ipinapakita ng talata na lahat ng gawa ng kaaway upang tayo ay kunin ng kaaway ay hindi kailanaman mangyayari. Bakit? Dahil ang Diyos natin ay makapangyarihan, at dahil siya nga ay makapangyarihan mayroon tayong kakampi na hindi kayang talunin ng kahit ninoman.
d. Filipos 1:6
Sagot: Ang Diyos ay makapangyarihan dahil base sa sinabi ng talata, siya na nagsimula ng mabuting gawa sa atin ay hindi kailanman matatapos hanggang sa muling pagdating ni Kristo. Ipinapakita nito na sa mga kamay ng Diyos, tayo ay kanyang prineserve.
e. II Corinto 3:4–5
Sagot: Ang kontexto ay nagpapakita na ang kakayahan ng mga disipolo ay hindi na kabase sa kanilang sariling mga lakas kundi nakabase ito sa Diyos na siyang nag bigay sa kanila ng kakayahan. Ipinapakira din ng talata na ang Banal na Espiritu na siyang Diyos ang siyang nagbibigay buhay sa mga disipolo. Ito ay nagpapahiwatig din na tayo ngayon na nakay Kristo, pinananahan ng banal na Espiritu, ay mayroong ding kakayahan na nanggaling sa Diyos. Kaya huwag natin angkinin ang mga bagay na sa palagay natin ay galing sa atin. Ibigay ang pagpapuri sa tanging Diyos.
f. Filipos 4:13
Sagot: Ang lahat ng gagawin natin para sa Diyos ay magagawa natin dahil ang siyang nagbibigay sa atin ng lakas ay makapangyarihan.
VI. APPLICATION
6. Ayon sa mga sumusunod na Kasulatan, ang tugon ng Kristiyano sa kapangyarihan ng Diyos ay dapat na parehong pananampalataya at pagsunod. Isulat ang iyong mga kaisipan tungkol sa mga talatang ito at sa kani-kanilang diin.
a. Pananampalataya (Roma 4:19–21)
Sagot: Isang halimbawa sa Banal na aklat na siyang nagpapakita ng tapat na panananpalataya ay si Abraham. Malinaw ang sinabi ng talata, kahit alam niya sa kanyang sarili na siya ay mahina at hindi kayang manganak ni Sarah, hindi kailanman nag alinlangan si Abraham sa pangako ng Diyos. Mas lalong tumibay ang kanyang paniniwala sa Diyoa dahil alam niya na kayang gawin ng Diyos ang sa palagay nating impossible na.
b. Pagsunod (Genesis 17:1)
Sagot: Si Abraham ay naging tapat sa Diyos, sa kadahilanang hindi lang tumibay ang kanyang pananampalataya kahit na ito ay matanda na, siya pa rin ay patuloy na sumunod sa anumang utos ng Diyos sa kanya.
Reflection:
Paano natin maipapakita sa ating mga buhay ang pagiging makapangyarihan ng Diyos na ating sinasamba?
Kung ang Diyos ay makapangyarihan at kayang gawin ang lahat, bakit kailangan niya pang ibigay si Kristo upang mamatay at mag sacripisyo sa krus?
Personal na sagot: Unang una dahil ang Salita ng Diyos ay makapangyarihan din. Ibig sabihin nung sinabi niya kina Adan at Eba na sila ay mamamatay, tiyak na sila ay mamatay. Ang problema, walang sinoman ang pwede makakapagligtas sa kanila mula sa kamatayan na ipinataw ng Diyos kundi ang Diyos din, and Diyos na ito ay kailangang maging tao upang mamatay at mabuhay muli para matalo ang kamatayan na ipinataw sa makasalanan. Pangalawa, dahil ang Diyos natin ay relational na Diyos na may pagmamahal sa kanyang sannilikha. Walang ibang being ang pwedeng maging perfect representative ng sang katauhan kundi si Kristo lamang.