
Ang salitang “omnipresent” ay nagmula sa salitang Latin na omnipraesens [omnis = lahat + praesens = naroroon] at tumutukoy sa kalagayan ng pagiging naroroon sa lahat ng lugar nang sabay-sabay. Kapag sinasabi ng Biblia na ang Diyos ay omnipresent, ang ibig sabihin nito ay Siya ay laging naroroon sa bawat lugar sa Kanyang kabuuan. Ang omnipresensya ay hindi nangangahulugan na ang isang bahagi ng Diyos ay nasa China at ang isa pang bahagi ay nasa England, kundi ang buong Diyos ay naroroon sa lahat ng lugar nang sabay-sabay. Bagama’t ang buong sansinukob ay hindi kayang maglaman sa Diyos, ang Diyos ay naroroon sa Kanyang buong kaluwalhatian sa bawat lugar.
Para sa Kristiyano, ang omnipresensya ng Diyos ay nagbibigay ng malaking pagtitiwala at kaaliwan—ang bawat mananampalataya, mula sa pinakadakila hanggang sa pinakmaliit, ay nakikinabang sa hindi nahahating presensya ng Diyos. Para sa hindi mananampalataya, ang omnipresensya ng Diyos ay nagdudulot ng takot, sapagkat walang paraan upang magtago o makatakas mula sa Kanyang presensya.
I. God cannot be contained
Sa 1 Kings 8 ay matatagpuan ang ulat tungkol sa pagtatalaga ng templo ng Diyos na itinayo ni Solomon sa Jerusalem. Ano ang ipinahayag ni Solomon sa I Mga Hari 8:27? Ano ang itinuturo ng kanyang pahayag tungkol sa omnipresensya ng Diyos? Ayon sa tekstong ito, dapat ba nating isipin na ang Diyos ay parang nakakulong lamang sa ating mga “gusaling simbahan” sa kasalukuyan?
Mayroon kantang my God is so big, so strong and so mighty, there’s nothing my God cannot do. What is the implication of this my God is so big? Aside from Him being omnipotent, Hindi kailanman ma cocontain ng 4 na sulok ng church building. Ito ang sinasabi ni Solomon na ang Diyos ay malaki, at hindi kailangan hati-hatiin ang kanyang katawan sa lahat ng dako ng lugar sa mundo. Lagi nating tandaan na ang Diyos ay Spiritu at hindi katulad ng tao na mayroon physical na pangangatawan na kayang hawakan. Kaya hindi natin makukulong ang Diyos sa simbahan lang, siya ay sa kahit saang dako.
II. God’s omnipotence and it’s relationship with men.
2. Sa mga sumusunod na Kasulatan ay matatagpuan ang ilang mahahalagang talata tungkol sa pagiging omnipresent ng Diyos at ang kahulugan nito para sa lahat ng tao. Isulat ang buod ng bawat talata gamit ang sarili mong mga salita.
a. Awit 139:7–10
PERSONAL NA SAGOT
Hindi natin matatakasan ang Diyos sa kadahilanang siya ay matatagpuan kahit saan. Kahit man daw nasa sa langit o na sa impyerno, ang Diyos ay naroon. Sabi pa nga, na ang mga kamay ng Diyos ang siyang magdadala sa kanya saan man siya pumunta.
b. Jeremias 23:23–24
PERSONAL NA SAGOT
Hindi tayo kailanman makakatago sa presensya ng Diyos. Ang kadahilanan, dahil pinupuno niya ang unibersidad.
c. Gawa 17:24–28
MGA TALA:
Ang pariralang “sa Kanya tayo’y nabubuhay, kumikilos, at umiiral [literal, ‘umiiral o naroroon’],” ay napakahalaga (talata 28). Aminin man ito ng tao o hindi, ang realidad ng Diyos ay hindi matatakasan. Walang lugar na hindi Siya naroroon. Higit pa rito, ang lahat ng bagay ay nilikha Niya at patuloy na pinananatili Niya. Siya ang nagpasimula ng galaw ng sansinukob at Siya rin ang nagpapatuloy nito. Ang pinakamalaking bituin at ang pinakamaliit na partikulo ay umiiral dahil sa Kanya. Ang buhay ng bawat nilalang, malaki man o maliit, ay nakasalalay sa Kanya.
III. God’s reponses to the call confirms His omnipresence
3. Ang mga sumusunod na Kasulatan ay naglalaman ng mga pangunahing katotohanan tungkol sa pagiging nasa lahat ng dako ng Diyos, na may natatanging diin sa kahalagahan nito para sa Kanyang bayan. Ibuod ang katotohanan ng bawat talata sa sarili mong pananalita.
a. Deuteronomio 4:7
PERSONAL NA SAGOT
God is near, ay isang metaphor na kung saan nagpaptukoy na ang Diyos ay malapit sa isang nation na tumatawag sa kanyang pangalan. Hindi katulad ng Diyos diyosan na kailangan pang bilhin o gawin para magiging malapit sila sa Diyos.
b. Awit 46:1
PERSONAL NA SAGOT
Sinabi ng Pslamista na ang Diyos ay kanyag kanlungan at kaligtasan. At isa pa, a very present help in trouble. Ito ay nagpapahiwatig na ang Diyos natin ay nalalapitan agad sa oras na problema dahil siya ay anjan kahit saan, dahil siya ay malapit lang sa bawat isa.
c. Awit 145:18–19
PERSONAL NA SAGOT
Dito naman sa bersikolong ito, makikita natin na ang Diyos ay malapit sa mga takng tumatawag sa kanya sa katotohanan. Maalala natin na si Kristo ang siyang dahilan kung bakit malapit ang Diyos sa mga Kristiyano dahil si Kristo mismo ang katotohanan.
d. Isaias 43:1–2
PERSONAL NA SAGOT
Sa talatang ito, ideneklara ng Diyos ang kanyang pagka Diyos sa bayang Israel na kung saan siya ay kasasama nila kahit saan man sila pumunta. Ito ay napakagandang pangako at proof na ang Diyos natin ay anjan kahit saan.
e. Mateo 28:20
PERSONAL NA SAGOT
Pagdating sa pag babahagi ng ebanghelyo, sa pagdidisipolo, ang pangako ng Diyos ay ganito, kasama natin siya kahit saan man dako ng mundo.
Reflection:
Dahil ang Diyos ay omnipresent. Anu ang ating magiging tugon sa pangaraw araw na pakikibaka sa buhay?