top of page
shutterstock_309076955_resized_edited.jpg

Kabanata 15: Ang Diyos ay Nakakaalam ng Lahat (Omniscient)


Ang salitang “omniscience” ay nagmula sa salitang Latin na omnisciens [omnis = lahat + sciens, mula sa scire = malaman] at tumutukoy sa katangian ng pagkakaroon ng ganap na kaalaman sa lahat ng bagay. Ang pagkaalam-ng-lahat ng Diyos ay nagpapahiwatig na taglay Niya ang perpektong kaalaman tungkol sa lahat ng bagay—nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap—agad-agad, walang kahirap-hirap, sabay-sabay, at lubos. Walang anumang bagay ang nakatago sa Diyos. Kailanman ay walang kahit kaunting pagkakaiba sa pagitan ng kaalaman ng Diyos at ng tunay na kalagayan ng mga bagay. Alam Niya ang lahat ng katotohanan, at binibigyang-kahulugan Niya ang mga ito nang may ganap na karunungan.

Para sa Kristiyano, ang pagkaalam-ng-lahat ng Diyos ay nagbibigay ng malaking katiyakan at kaaliwan—alam ng Diyos ang bawat pangangailangan natin, nauunawaan Niya ang bawat pagsubok na dinaranas natin, at ibinigay Niya sa atin ang Kanyang walang pagkakamaling Salita upang gabayan tayo sa buhay. Para sa hindi mananampalataya, ang pagkaalam-ng-lahat ng Diyos ay nagdudulot ng takot, sapagkat hahatulan ng Diyos ang bawat tao ayon sa Kanyang ganap na kaalaman sa lahat ng bagay—walang kasalanan ang maitatago o malilimutan. Ang bawat nilalang, bawat gawa, at bawat iniisip ay nasa harapan Niya na parang isang bukas na aklat.


I. Ang Pangalan ng Diyos ay nagpapakita ng kanyang Omniscience


1. Sa Kasulatan, ang isang pangalan ay may malaking kahalagahan at nagpapahayag ng isang bagay tungkol sa taong nagtataglay nito. Ano ang pangalang ibinigay sa Diyos sa I Samuel 2:3?

a. Ang Diyos ng K(Kaalaman)________________________


b. Ano ang ipinapahayag ng pangalang ito sa atin tungkol sa pagkaalam-ng-lahat ng Diyos?

TALA: Ang Panginoon ay ang Diyos na nakakakita at nakaaalam ng lahat ng bagay. Ang kaalaman ay hindi isang bagay na kailangang abutin, hanapin, o tipunin ng Diyos; kundi ito ay isang bagay na Kanyang taglay nang ganap, agad-agad, walang kahirap-hirap, sabay-sabay, at lubos.


II. Ang Diyos ang siyang pinagmulan ng lahat ng kaalaman


2. Sa Daniel 2:20–22 matatagpuan ang isa sa pinakamagagandang paglalarawan ng kaalaman ng Diyos sa Kasulatan. Ano ang itinuturo ng talatang ito sa atin?

  • Personal na sagot: Sa talatang ito, tinuturo sa atin na ang source o pinagmulan ng kaalaman ng isang taong may pagunawa ay ang Diyos mismo. Dahil nga siya ang Diyos na may alam ng lahat, kahit gaano pa ka lalim, may tinatago mang secreto na hindi kayang matagpuan ng tao , ito ay lantad sa kanya.


III. Ang Paglalarawan sa Omniscience ng Diyos


3. Sa mga sumusunod na talata, ilang mga salita ang ginamit upang ilarawan ang pagkaalam-ng-lahat(omniscience) ng Diyos. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga salitang ito, masisimulan nating maunawaan ang kadakilaan ng kaalaman ng Diyos. Tukuyin ang bawat salita ayon sa ibinigay na talata.


a. Ang kaalaman ng Diyos ay P(Perfect)_________________________ (Job 37:16). Ang salitang ito ay isinalin mula sa salitang Hebreo na tamim, na nangangahulugang buo, ganap, sakdal, walang kapintasan, at walang kakulangan.


b. Ang pagkaunawa ng Diyos ay B(Beyond)__________________ M(Measure)__________________ (Awit 147:4-5). Ang salitang ito ay isinalin mula sa salitang Hebreo na ayin, na tumutukoy sa isang bagay na hindi mabilang o lampas sa bilang. Ang iba pang kasingkahulugan ay: walang hanggan, hindi maarok, hindi malirip, at hindi masaliksik.


c. Ang pagkaunawa ng Diyos ay U(Unsearchable)_____________________________ (Isaias 40:28). Ang salitang ito ay isinalin mula sa salitang Hebreo na ayin (tingnan ang kahulugan sa itaas).



IV. Ang ugnayan ng pagiging Omniscient at Soberano ng Diyos


4. Mahalagang maunawaan na ang kaalaman ng Diyos ay hindi limitado sa kasalukuyan; alam Niya ang lahat ng bagay—nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Ano ang itinuturo sa atin ng Isaias 44:6-8 at 46:9-10 tungkol sa katotohanang ito?

  • Personal na sagot: Ang mga talata ay nagsasabi na ang Diyos ang siyang Diyos noong simula at ng wakas. Alam niya ang lahat ng bagay dahil ang lahat ng bagay ay kanyang inihayag niya noon pa. Sabi pa nga ang, lahat ng layunin ng Diyos ay maitatag, at gagawin niya lahat ng kanyang kagustuhan.


V. Ang Omniscient ng Diyos sa aklat ng Awit.


5. Sa Awit 139:1-4, 11-12 matatagpuan ang isa sa pinakamaganda at pinakakumpletong paglalarawan ng pagkaalam-ng-lahat ng Diyos at ng Kanyang kaalaman sa mga gawa ng tao. Ayon sa balangkas na ibinigay sa ibaba, ilarawan ang lawak ng pagkaalam-ng-lahat ng Diyos.


a. Talata 1

TALA: Ang kaalaman ng Diyos ay umaabot hanggang sa pinakamalalim na bahagi ng pagkatao ng tao. Ang pinakaloob na bahagi ng puso at isipan ng tao ay parang isang bukas na aklat sa harapan ng Panginoon.


B. Talata 2

  • Personal na sagot: Makikita natin na kung anu man ang ating gagawin ay alam ito ng Diyos. Kahit anv laman ng ating isip, alam ito ng Diyos.

C. Talata 3

TALA: Ang mga salitang “search out” ay isinalin mula sa salitang Hebreo na zarah, na nangangahulugang “ikalat, paypayan, o ihiwalay (tulad ng sa pag-aalis ng ipa).” Sa proseso ng paghihiwalay, ang trigo ay inihihiwalay mula sa ipa. Sa katulad ngunit higit na malalim na paraan, nagagawa ng Diyos na salain ang puso ng tao at maunawaan ang bawat pag-iisip nang may ganap na kawastuhan.


D. Talata 4

  • Personal na sagot: Kahit na ang ating mga sasabihin wala pa rin kawala sa Panginoon, ito'y alam alam niya. Sabi pa nga, bago lumabas ang mga salitang ito sa ating mga bibig, alam na ng Diyos.

E. Talata 11-12

  • Personal na sagot: Ang Psalmista ay gumamit ng metaphor na kung saan kahit na siya ay magtakip ng napakadilim na takip, yung tipong hindi talaga siya makikita, ito ay kitang kita pa rin ng Diyos. Madilim man o maliwanag, pagdating sa kaalaman ng Diyos ang mga ito ay walang pinagkaiba sa mga mata ng Diyos.


VI. Ang pagiging Omniscient ng Diyos sa mga tao.


6. Ayon sa Kasulatan, walang lalim o lihim sa puso ng tao na hindi naaabot ng kaalaman ng Diyos. Ano ang itinuturo sa atin ng mga sumusunod na talata tungkol sa katotohanang ito?


a. Ang Diyos lamang ang nakaaalam ng H(Hearts)_____________ ng lahat ng tao (I Mga Hari 8:39).

b. Sinusubok ng Diyos ang M(Minds)__________ at H(Hearts)____________ (Awit 7:9).

c. Alam ng Diyos ang mga T(Thoughts)__________________ ng tao (Awit 94:11).

d. Hahatulan ng Diyos ang mga S(Secrets)______________ ng mga tao (Roma 2:16).



VII. Ang Benepisyo ng mga nilikha sa pagiging Omniscient ng Diyos.


7. Para sa Kristiyano, ang pagkaalam-ng-lahat ng Diyos ay nagbibigay ng malaking katiyakan, kaaliwan, at kagalakan. Makapapahinga tayo nang may kapanatagan na ang Diyos ay laging nagbabantay sa atin, alam Niya ang bawat pangangailangan natin, at nauunawaan Niya ang bawat pagsubok na ating pinagdaraanan. Ano ang itinuturo ng mga sumusunod na talata tungkol sa katotohanang ito?

a. II Cronica 16:9

  • Personal na sagot: Tinuturo ng talata na ang kapangyarihan ng Diyos ay ipapakita niya sa mga tapat sa kanya. Ginavawa niya ito ng walang kapaguran dahil sa sinabi ng talata na ang kanyang mga mata ay naglilibot sa buong lupa.

b. Mateo 6:7-8, 31-32

  • Personal na sagot: Ipinapakita ng talata na ang lahat ng ating pangangailangan ay alam na ng Diyos bago pa tayo humingi. Ipinapakita nito na bukod sa ang Diyos natin ay Omniscient, siya din ay Diyos ng Provision.

C. Mateo 10:29-31

  • Personal na sagot: Kamangha-mangha ang Diyos natin dahil pati ang bilang ng hibla ng buhok natin ay alam niya.  Ipinapakita din ng talata kung gaano tayo pinapahalagahan ng ating Panginoong Diyos.


VIII. Ang Epekto ng pagiging Omniscient ng Diyos sa mga tao.


8. Tulad ng ating natutunan, ang pagkaalam-ng-lahat ng Diyos ay hindi nagdudulot ng parehong reaksyon sa lahat ng tao. Ang lahat ay nakasalalay sa relasyon ng isang tao sa Diyos. Para sa hindi mananampalataya, ang pagkaalam-ng-lahat ng Diyos ay nagdudulot ng takot, sapagkat hahatulan ng Diyos ang bawat tao ayon sa Kanyang ganap na kaalaman sa lahat ng bagay—walang kasalanan ang maitatago o malilimutan. Ang bawat nilalang, bawat gawa, at bawat iniisip ay nasa harapan Niya na parang isang bukas na aklat. Ano ang itinuturo ng mga sumusunod na talata tungkol sa katotohanang ito?


a. Job 34:21-23

Personal na sagot: Maaring sa mga mata natin kayang kayang itago ng mga masasama ang kanilang mga masasamang ginagawa, ngunit sa mga mata ng Panginoon ang lahat ay lantad sa kanya. Sabi nga sa bersikolo ang mga mata niya ay nasa  bawat lakad ng mga tao, dito pa lang wala na tayong kawala sa Panginoon.


b. Awit 33:13-15

Personal na sagot: Ito ang kagandahan at kamangha-mangha sa Diyos natin dahil hindi siya ang Diyos na passive, yung tipong ginawa niya ang mundo at hayaan na lang ang mga tao sa lahat ng kanilang gagawin, iyong tipong nakasalalay sa mga ka.ay ng mga tao ang mangyayari sa kinabukasan. Ngunit hindi ganyan ang ating Panginoon, Siya ay aktibong nag mamasid at tumitingan sa bawat isa sa mga tao sa sanlibutan.


c. Kawikaan 5:21

Personal na sagot: Isa sa mga rason dahil alam ng Diyos ang bawat kilos mo at magiging kilos mo dahil ang mga mata niya mismo ang nagbabantay sa bawat lakad mo. Kaya sa sunod na bersikolo ang mga masasama ay mahuhulog sa bitag ng kanyang kasamaan at mahuhuli sa sarili niyang kasamaan.


d. Kawikaan 15:3

Personal na sagot: Sa talatang ito pinapakita na yung sakop ng mga mata ng Diyos na kung saan ito ay sa kahit saang dako. Ikaw ay nasa kabutihan at sa kasamaan, wala ka pa ring ligtas sa kanyang kaalaman.


e. Jeremias 17:10; 32:19

Personal na sagot: Ipinapakita naman dito unang una kung paano nagbibigay ng gantimpala ang Diyos, sinusuri niya ang bawat laman ng puso at isipan ng bawat nilalang at nakabase ang gantimpala nito sa bawat kilos at lakad ng mga tao. Ibig sabihin alam ng Diyos ang dahilan kung bakit ka gumagawa ng kabutihan, kung ito ay sariling interes o sa ikakapuri ng Diyos dahil sinisiyasat nito ang bawat laman ng puso at isipan mo. Pangalawa, pagdating naman sa paghuhukom ng Diyos ito ay talagang patas, dahil alam niya ang bawat kasuluksulukan ng laman ng ating puso at isipan.


f. Hebreo 4:13

Personal na sagot: Walang maitatago ang lahat ng bagay sa harapan ng Diyos dahil ang lahat ng ito ay hayag at malinaw sa kanyang mga mata.


Personal na reflection:

1. Ngayong alam mo na ang Panginoon ay omniscient, ibig sabihin alam niya ang lahat ng bagay, ngayon at magpakailanman. Anu ang ating personal na tugon sa mga tinatago nating kasalanan?

(Hayaang magisip ang mga studyante, at ibigay ang iyong sariling saloobin)



Gospel reflection:

Sabi ni Thomas Watson “Christ is an all-seeing eye; He knows our sincerity and our hypocrisy.”

Alam natin na si Kristo ang siyang naghayag sa Diyos, siya ay Diyos.

Jn. 1:18: "Walang sinumang nakakita kailanman sa Diyos. Ang Diyos na tanging Anak[2] na nasa kandungan ng Ama ang nagpakilala sa kanya."


Co. 1:15: "Siya ang larawan ng Diyos na hindi nakikita, ang panganay sa lahat ng mga nilalang;"


At dahil siya ay Diyos at kahit alam niya na siya ay dadanas ng pighati at sakit ng kamatayan at poot ng Diyos (Matt 26:39, Luke 22:42). Itinuloy niya pa rin ito, dahil alam niya din na ang tanging kamatayan at pagkabuhay niya muli ang siyang makakapagligtas at makakatubos sa kanyang mga tao (Acts 20:28, Romans 5:9, 1 Peter 1:18-19). Kaya ito ang panawagan ko sa inyo, sa mga nagkukunwaring Kristiyano, ginagamit ang pangalan ni Kristo sa pansariling interest magsisi ka at ilagak ang buong pagtitiwala kay Hesus, dahil alam niya ang laman ng puso at isipan mo. Ganun din sa mga pusong nagmamatigas, huwag mo ng hintayin ang kamatayan na kung saan hahatulan ka ng guilty sa harapan ng Diyos. Habang ikaw ay nabubuhay pa, tumawag ka sa Pangalan ni Hesus at ikaw ay kanyang ililigtas (Roma 10:13).

bottom of page