top of page
shutterstock_309076955_resized_edited.jpg

Banal, banal, banal ang Diyos! Bagama't nagkasala tayo laban sa Kanya at ginawa natin ang ating sarili na karima-rimarim/kasuklam-suklam(abomination) sa Kanyang paningin, tayo na mga sumasampalataya ay kanyang ipinakipagkasundo sa Kanyang sarili sa pamamagitan ng kamatayan ng Kanyang sariling Anak. Nang mailigtas tayo, tinawag tayo upang maging Kanyang mga natatanging tao sa lupa. Paano tayo mabubuhay bilang tugon sa dakilang katotohanang ito? Paano tayo mabubuhay sa harap ng isang banal na Diyos?


ANG KAHALAGAHAN NG KABANALAN


Mahirap bigyang-diin nang labis ang pangangailangan na maunawaan natin ang kahalagahan ng kabanalan ng Diyos at ang mga implikasyon nito sa ating buhay. Banal ang Diyos, at tayo ay tinawag upang maging banal gaya ng Kanyang kabanalan (I Pedro 1:15-16).

  1. Ayon sa Kawikaan 9:10, gaano kahalaga na kilalanin at maunawaan natin ang kabanalan ng Diyos? Gaano kahalaga na lumago tayo sa ating sariling personal na kabanalan?

Personal na sagot: 

- Unawain muna natin ang ibig sabihin ng Insight. Kasi sabi ng talata ang kaalaman sa Banal na Diyos ay insight, sa tagalog kaunawaan. Pag denefine natin ang insight, ito ang sabi "Insight means a deep understanding of a person, situation, or problem." Sa kontexto, ang insight ay ang pagkakaunawa sa mga na espirituwal.

- Ano ang estado ng mga tao noong hindi pa nila nakilala ang Diyos? Sabi sa 1 Cor 2:14 "Ngunit ang taong hindi ayon sa espiritu ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Diyos, sapagkat ang mga iyon ay kahangalan sa kanya at hindi niya iyon nauunawaan, sapagkat ang mga iyon ay nauunawaan sa pamamagitan ng espiritu." Hindi nila nauunawaan ang mga bagay na Espirituwal.

- Sino ang Holy One o ang Banal na sinasabi sa talata? Merung two acount sa Scripture sa Bagong Tipan na kung saan binanggit doon kung sino ang Holy One, sa Mark 1:24, ang mga Demonyo na recognize nila si Hesus at tinawag na Holy One, at sa Revelation 3:7, binanggit doon mismo na ang nagsasalita ay ang Holy One, at iyon ay ang Panginoong Hesus.

-To sum it up, mahalagang makilala natin si Hesus, dahil sa pamamagitan niya mauunawaan natin ang mga bagay na Espirituwal at ito ang magdadala sa atin sa tamang karunungan.



MGA TALABABA/TANDAAN: Sa Kawikaan 9:10, natututuhan natin na ang pinakadakilang katotohanang inihaharap sa mga tao ay ang Diyos ay banal at karapat-dapat sa lahat ng paggalang at pagsamba. Ang lahat ng iba pang kaalaman at karunungan (pang-agham, pilosopikal, pangkasaysayan, pambatas, at iba pa) ay walang kabuluhan kung wala ang wastong pag-unawa sa katotohanang ito.


2. Ayon sa Hebreo 12:14, gaano kahalaga na lumago tayo sa ating sariling personal na kabanalan?


Personal na Sagot: Sabi kasi ng talata, kapag hindi natin pinagsikapan magkaroon ng kapayapaan sa lahat at ng kabanalan, kapag wala nito, walang makakita sa Panginoon. Anu ang ibig sabihin nito? Ibig sabihin ba nito na kailangan nating pagsikapan na gumawa ng kabutihan para makita si Kristo? Ang sagot, hindi.

Sa kontexto, kausap ng author ng Hebreo ay mga Kristiyano na iniligtas na ng Panginoon, at bilang tugon doon sa pagliligtas ng Panginoon, ang epekto noon ay pagsisikap sa kabanalan. 

Sabi nga ni David Gucik yung live peaceably with all men ay pagkakaroon ng maayos na lakad sa mga tao at ang kabanalan naman dito ay ay patungkol naman sa maayos na lakarin natin sa Diyos. Ito ay parang summary ng Greatest Commandment. 

Totoo ang sinasabi dito, kasi kung ikaw ay hindi nagsusumikap na maging maayos sa harapan ng mga tao at hindi lumalakad ng may kabanalan, ito ay nagpapatunay na hindi mo pa nakikita(Spritual sight) ang Diyos. Lagi tandaan sa Matthew 5:8, Mapalad ka kung malinis ang puso mo, dahil makikita mo ang Panginoon.


MGA TALABABA/TANDAAN: Ang salitang "kabanalan" ay mula sa salitang Griyego na hagiasmós, na maaari ring isalin bilang "pagpapabanal" (sanctification) o "pagtatalaga" (consecration). Ayon sa Kasulatan, ang ganap na kabanalan na kailangan upang makita ang Panginoon o makapiling Siya ay hindi makakamit sa pamamagitan ng sariling pagsisikap ng tao, kundi sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Jesu-Cristo at sa Kanyang kamatayan sa krus. Dahil dito, isinulat din ng may-akda ng Hebreo, "Sapagkat sa pamamagitan ng iisang handog ay ginawa Niyang perpekto magpakailanman ang mga pinababanal" (Hebreo 10:14). Gayunpaman, sa Hebreo 12:14, ang katotohanang ipinapahayag ay ang lahat ng tunay na "ginawang perpekto" o "pinabanal" ng dugo ni Cristo ay magsisikap ding maging banal sa kanilang personal na pamumuhay. Hindi tayo nagiging matuwid sa Diyos dahil sa ating pagsusumikap na maging banal; sa halip, ang kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya ang hahantong sa ating pagsusumikap na maging banal.




3. Ayon sa Hebreo 12:5-11, ano ang ginagawa ng Diyos upang matiyak na ang lahat ng Kanyang mga anak ay makabahagi sa Kanyang kabanalan (i.e. maging banal gaya ng Kanyang kabanalan)?


MGA TALABABA/TANDAAN: May ilang mahahalagang katotohanang dapat nating kilalanin tungkol sa disiplina ng Diyos sa Kanyang mga anak. 

(1) Ang disiplina ng Diyos ay pagpapahayag ng Kanyang pag-ibig at palaging para sa ikabubuti ng mananampalataya. 

(2) Ang disiplina ng Diyos ay hindi paghihiganti; ang layunin nito ay protektahan tayo, patatagin, at hubugin ayon sa larawan ni Cristo. 

(3) Ang disiplina ng Diyos ay maaaring mangyari sa buhay ng isang mananampalataya bilang resulta ng kasalanan. Sa ganitong mga pagkakataon, ang layunin ay ituwid siya, patunayan sa kanya ang mga panganib ng kasalanan, at turuan siyang magkaroon ng paggalang sa Diyos. 

(4) Ang disiplina ng Diyos ay maaaring mangyari sa buhay ng kahit na ang pinakamatatag at banal na mananampalataya. Sa ganitong mga pagkakataon, ito ay para lamang dalhin siya sa mas mataas na antas ng pagkakahawig kay Cristo. 

(5) Ang disiplina ng Diyos ay maaaring maging labis na masakit, ngunit pagkatapos nito ay nagbubunga ito ng higit na katuwiran at kabanalan. 

(6) Ang disiplina ng Diyos sa ating buhay ay patunay na tayo ay Kanyang mga anak. Ang kawalan ng disiplina ay patunay na hindi tayo Kanyang anak. 

(7) Ang dakilang layunin ng Diyos para sa ating kasalukuyang buhay ay hindi materyal na kasaganaan, kaginhawahan, o maging kalusugan, kundi ang tayo ay makabahagi sa Kanyang kabanalan (12:10).



Personal na Reflection:

  1. Dumaan na ba sa punto ng buhay mo na ninaais mong lumakad ng may kabanalan? Anu ang naging motibasyon mo sa pagnanais mo na maging banal?





bottom of page