
ANG KAHULUGAN NG "MATUWID"
Ang salitang "matuwid" (righteous) ay isinalin mula sa salitang Hebreo na tsaddiq at sa katumbas nitong salitang Griyego na díkaios. Ang dalawang katawagang ito ay nagpapahiwatig ng katuwiran, kawastuhan, o moral na kahusayan ng Diyos. Ayon sa Banal na Kasulatan, ang Diyos ay isang ganap na matuwid na Nilalang at laging kumikilos nang lubos na naaayon sa kung sino Siya. Walang anumang mali o di-wasto sa kalikasan ng Diyos o sa Kaniyang mga gawa. Kailanman ay hindi Siya "maging" o "gagawa" ng anumang bagay na magbibigay-katwiran sa anumang akusasyon ng paggawa ng masama. Ang Kaniyang mga gawa, utos, at hatol ay ganap na perpekto. Sa araw na hatulan ng Diyos ang lahat ng tao ayon sa kanilang mga gawa, maging ang mga hahatulan ng pagdurusa ay iyuyuko ang kanilang mga ulo at magdedeklarang ang Diyos ay tama!
ANG KATUWIRAN NG DIYOS
Mahalagang maunawaan na ang katuwiran ng Diyos ay katutubo o likas (intrinsic o inherent—ibig sabihin, inward, mahalaga, at kabilang sa Kaniyang kalikasan). Ang katuwiran ay hindi lamang isang bagay na pinipili ng Diyos na maging Siya o gawin; ito ay mahalaga sa Kaniyang mismong kalikasan—Siya ay matuwid. Kinakailangang huminto ang Diyos sa pagiging Diyos upang maging di-matuwid. Kakailanganin Niyang i-cease ang Kaniyang sariling kalikasan upang gumawa ng isang bagay na hindi tama. Ito ay isang kahanga-hangang katotohanan na nagbibigay ng matibay na pagtitiwala sa Diyos.
1. Sa Kasulatan, ang pangalan ay may malaking kahalagahan at nagpapahayag ng isang bagay tungkol sa taong nagtataglay nito. Ano ang pangalang ibinigay sa Diyos sa Mga Awit 7:9?
Para sa iyong katanungan sa dulo: Ang pangalang ibinigay sa Diyos sa Mga Awit 7:9 ay "Matuwid na Diyos" ("O matuwid na Diyos").
a. The R(Righteous) _______________________ God (Psalm 7:9).
b. Ano ang ipinapahayag ng pangalang ito sa atin tungkol sa pagkatao at mga gawa ng Diyos?
Personal na sagot: Ang Diyos ang nagpapatatag sa matuwid, Siya ang nagsusuri ng mga puso at pag-iisip. Ito ay patunay na ang Diyos ay personal na gumagawa sa bawat tao sa pamamagitan ng pagsusuri sa bawat kaisipan at puso. Siya lamang ang tanging makapagsusuri nito nang ganap dahil ang Kaniyang hatol ay tama.
MGA TALA:
Sa panganib ng pagiging paulit-ulit, ang mahalagang katotohanang ipinababatid dito ay ang Diyos ay matuwid; samakatuwid, ang lahat ng Kaniyang mga utos, salita, at gawa ay ganap na matuwid at karapat-dapat sa lubos na pagtitiwala.
Sa mga sumusunod na talata ay matatagpuan ang ilan sa mga pinakamahalagang pahayag sa Kasulatan hinggil sa katuwiran ng Diyos at ng Kaniyang mga gawa. Ibuod ang bawat teksto sa iyong sariling mga salita. Tandaan: may direktang ugnayan sa pagitan ng matuwid na kalikasan ng Diyos at ng katuwiran ng Kaniyang mga gawa at paghatol. Ang Diyos ay gumagawa ng tama at humahatol nang may katuwiran dahil ang Diyos ay matuwid.
a. Deuteronomy 32:4
Personal na sagot: Dahil ang Diyos ay matuwid, ang Kaniyang mga gawa ay sakdal, ang Kaniyang hatol ay laging tama, at Siya ay kailanman hindi nagkamali, hindi nagkakamali, at hindi magkakamali kailanman.
b. Job 36:22-24
Personal na sagot: Dito si Elihu (isa sa mga kaibigan ni Job, hindi kasama sa tatlo), ipinagtanggol niya ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kabutihan at katuwiran ng Diyos. Dito ay nagpahayag siya ng hamon kay Job at sa tatlo nitong kaibigan na walang mas dakilang guro kaysa sa ating Diyos, na walang sinumang makapagtuturo sa Kaniya, at walang sinumang makapagsasabi na Siya ay gumawa ng mali. Ang Diyos sa Kaniyang mismong kalikasan ay matuwid, at kailanman ay hindi Siya gumawa ng kahit isang pagkakamali.
c. Mga Awit 36:6
MGA TALA: Malinaw ang mga talinghaga. Ang katuwiran ng Diyos ay mas dakila kaysa sa pinakamataas na bundok at mas malalim kaysa sa pinakamalalim na dagat.
d. Mga Awit 89:14; 97:2
Personal na sagot: Ipinahahayag ng mga talatang ito na ang pundasyon ng luklukan ng Diyos ay katuwiran at katarungan. Ito ang patunay kung bakit ang Kaniyang mga gawa ay sakdal, kung bakit ang Kaniyang katarungan ay sakdal din, at ang dahilan sa likod ng lahat ng ito ay dahil sa Kaniyang kalikasan bilang isang Matuwid na Diyos—ang lahat tungkol sa Kaniya ay tama.
e. Mga Awit 119:142
MGA TALA: Dito ay nakikita natin ang dalawang dakilang katotohanan. Una, ang katuwiran ng Diyos ay hindi nagbabago—ito ay walang hanggan at di-nagbabago. Siya ay laging magiging matuwid at lubos na mapagkakatiwalaan. Pangalawa, ang katotohanan ng Salita ng Diyos ay nakasalig sa katuwiran ng Kaniyang katauhan. Alam natin na ang Salita ay katotohanan dahil alam natin na ang May-akda nito ay matuwid.
f. Jeremias 9:24
Personal na sagot: Makikita natin ang ugnayan ng ating pagmamagaling sa karakter ng Diyos. Ang isang Cristiano ay dapat magmalaki sa isang bagay lamang—ang Diyos. Ang pagkakilala sa Diyos, naniniwala ako, ang pinakadakilang kayamanan na dapat nating laging ipinapakipag-usap sa lahat, at isa sa mga karakter na dapat nating maunawaan at makilala ay ang Kaniyang katuwiran. Ang pagpapahayag tungkol sa Diyos ay hindi kailanman pagsasayang ng oras sapagkat Siya lamang ang tanging Nilalang na ang mga daan at gawa ay laging tama.
3. Mahalagang maunawaan na ang katarungan ng Diyos (tulad ng Kaniyang kabanalan) ay lumalampas(surpasses) sa lahat o transcendent [Latin: trans = patawid o lampas + scandere = umakyat]. Ang katuwiran ng Diyos ay walang-hanggang lumalampas(surpasses) sa lahat ng iba pa. Walang ibang matuwid tulad ng Panginoon. Ano ang itinuturo sa atin ng mga sumusunod na Kasulatan tungkol sa katotohanang ito?
Isaias 5:16
MGA TALA: Ipinapakita ng Kasulatang ito na ang Banal na Diyos ay magpapakita ng Kaniyang sarili na hiwalay o iba sa lahat sa pamamagitan ng Kaniyang katuwiran. Ang kabanalan ng Diyos (ibig sabihin, pagiging hiwalay at bukod-tangi sa sanglikhaan) ay pinakamalinaw na ipinapakita sa pamamagitan ng Kaniyang mga matuwid na gawa. Walang banal o matuwid na tulad ng Panginoon.
Isaias 45:21
Personal na sagot: Sa mga talatang ito, makakakita tayo ng ilang mga katanungan, tulad ng, sino ang nagpahayag ng lahat ng bagay sa hinaharap mula pa sa nakaraan? Sino ang nag-anunsyo nito nang pauna? Ang sagot ay napakasimple, ang Diyos lamang. Ang deklarasyong ito ay isang pag-aangkin at patunay na ang Diyos ay may lubos na kontrol sa bawat detalye ng ating buhay at mga kaganapan dito sa lupa. Inangkin ng Diyos na Siya ay iisa at walang ibang diyos bukod sa Kaniya.
4. Mahalagang maunawaan na ang katuwiran ng Diyos, tulad ng Kaniyang kabanalan, ay nasasalamin sa Kaniyang saloobin sa mga gawa ng mga tao at ng mga anghel. Ang Diyos ay hindi yung tipong walang pakialam o walang kinikilingan sa moralidad; iniibig Niya ang katuwiran at kinapopootan Niya ang lahat ng di-katuwiran. Ano ang itinuturo sa atin ng mga sumusunod na Kasulatan tungkol sa katotohanang ito?
a. Mga Awit 7:11-12
Personal na sagot: Ipinahahayag ng talata na ang hatol ng Diyos ay matuwid. Ito ang mismong dahilan kung bakit ang Panginoon ay galit sa masama, at tingnan ang dalas ng Kaniyang galit—araw-araw. Ito ay patunay kung gaano kaganap na matuwid ang ating Diyos. Araw-araw tayong nagkakasala at ang kasamaan ay lumalakad sa buong lupa. Ang mga makasalanang ito ay magdurusa ng napakatinding parusa kalaunan dahil sa poot ng Diyos, maliban na lamang kung sila ay magsisi at magtiwala sa Panginoong Jesus.
b. Mga Awit 11:7
Personal na sagot: Kung ang Mga Awit 7:11 ay nagpapakita ng poot ng Diyos sa mga masasamang tao dahil Siya ay matuwid, ang talatang ito naman ay nag-uusap tungkol sa pag-ibig ng Diyos sa katuwiran, at tingnan kung ano ang kanilang natatanggap mula sa Panginoon.
MGA TALA: Ang dalawang teksto sa itaas ay nagpapakita ng dakilang pangangailangan ng bawat tao kay Cristo at sa Kaniyang gawa sa Calvario. Ang Diyos ay ganap na matuwid at hahatulan ang lahat ng nagkukulang sa Kaniyang pamantayan. Si Cristo lamang ang nabuhay ng ganap na buhay na hindi natin kayang mabuhay, at pagkatapos ay pinasan ang ating kasalanan at pinagdaanan ang poot ng Diyos na inilarawan sa Mga Awit 7:11-12. Ipinahahayag ng Mga Awit 11:7 na ang mga matuwid lamang ang makakakita sa mukha ng Diyos. Ang ganitong katuwiran ay posible lamang sa pamamagitan ng pananampalataya sa katauhan at gawa ni Cristo. Sa 2 Mga Taga-Corinto 5:21, isinulat ng Apostol Pablo: "Dahil sa atin, Siya na hindi nakakilala ng kasalanan ay ginawa niyang kasalanan, upang sa pamamagitan niya ay maging katuwiran tayo ng Diyos."
5. Tinitiyak ng katuwiran ng Diyos na ang Diyos ay hindi gagawa ng mali. Maghahari Siya sa Kaniyang sanglikhaan nang walang kapritso(caprice/inconsistency) , paboritismo, o kawalan ng katarungan. Ito ay isang dakilang aliw para sa mananampalataya na ginawang kaniyang pag-asa ang Diyos. Ano ang itinuturo sa atin ng mga sumusunod na Kasulatan tungkol sa katotohanang ito?
a. 2 Mga Cronica 19:7
Personal na sagot: Ang ikalimang hari ng Juda na si Josafat, ay nag-utos sa mga hukom na matakot sa Panginoon. Ito ay isang paalala sa mga Hukom na dapat silang humatol nang may takot sa Panginoon. Ang dahilan? Dahil ang Panginoon ay humahatol nang may pagtatapat. Siya ay isang matuwid na hukom na humahatol nang walang pinapanigan. Hindi Siya tulad ng mga makalupang hukom na maaaring suhulan ng ginto at kayamanan. Ang hatol ng Panginoon ay sakdal at laging tama.
b. Job 8:3; 36:23
Personal na sagot: Pinatunayan pa ng mga kaibigang ito ni Job na ang Panginoon ay walang ginawang mali. Walang kahit isang tao na may pinakamataas na awtoridad ang makapag-aakusa sa Kaniya ng paggawa ng mali, o makapagtuturo sa Kaniya na gumawa ng mali.
c. Mga Awit 9:7-8
Personal na sagot: Ayon sa talatang ito, may apat na bagay na ginagawa ang Panginoon: Una, Siya ay nakaupo sa Luklukan; ipinapakita nito na ang Panginoon ang Hari ng sanlibutan. Pangalawa, Itinatag ng Panginoon ang Kaniyang luklukan para sa katarungan; ang Kaniyang luklukan ay hindi lamang isang karaniwang luklukan na may maraming tagapayo. Siya lamang ang nagtatag ng Kaniyang luklukan nang may ganap na katarungan. Pangatlo, ang Panginoon ay humahatol nang may katuwiran; ipinapakita nito na ang Panginoon ay hindi lamang pasibong nakatitingin sa Kaniyang sanglikhaan na walang ginagawa. Siya ay aktibong humahatol nang may katuwiran; ang Kaniyang hatol ay laging tama. At panghuli, humahatol Siya sa mga tao nang may katuwiran/katapatan (uprightness); kapag sinabi nating uprightness, mayroong mahigpit na pagsunod sa kung ano ang tama at kung ano ang mali. Ipinapakita nito na kapag Siya ay humahatol, ito ay may batayan, at iyon ay ang Kaniyang Banal at matuwid na karakter.
Reflection Question: (Hayaan ang mga kabataan na sumagot isa-isa)
Paano tayo nagiging Katuwiran ng Diyos, magbigay ng talata? (para sa Guro ipaliwanag ang 2 Corinto 5:21, at dalhin sa ebanghelyo)