top of page
shutterstock_309076955_resized_edited.jpg

Ang Diyos ay matuwid, at lahat ng Kanyang mga gawa ay sakdal. Kung gayon, paano tayo dapat mamuhay bilang tugon sa dakilang katotohanang ito? Dapat tayong matakot sa Panginoon at mamuhay nang matuwid sa Kanyang harapan; dapat tayong mamuhay nang may lubos na pagtitiwala sa Kanyang pagkalinga at pamamahala; dapat nating ialay ang ating sarili sa pagsamba at pananalangin; at sa huli, dapat nating ipahayag ang Kanyang katuwiran sa gitna ng mga tao.


WE SHOULD LIVE RIGHTEOUSLY BEFORE GOD


1. Sa 1 Juan 2:29 at 3:7 ay matatagpuan ang isang pangunahing katotohanan tungkol sa buhay Cristiano. Ayon sa dalawang tekstong ito, ano ang isa sa pinakamalaking katibayan na tayo ay tunay na mga anak ng Diyos?


Personal na Sagot: Una, pinagtitibay ng teksto ang kahalagahan ng pagkilala sa katuwiran ng Diyos. Bakit? Sapagkat ito ang ating batayan kung paano mamuhay nang matuwid (gawin kung ano ang tama). Ang Panginoon ang dakilang halimbawa kung paano mamuhay nang matuwid, at sa pamamagitan ng ipinagkaloob na katuwiran ng Panginoon sa mga may pananampalataya sa Kanya, sila ay naging mga anak ng Diyos. At dahil sila ay mga anak ng Diyos, isinasabuhay nila kung paano mamuhay at lumakad nang matuwid.


MGA TALA: Ang “pagsasagawa ng katuwiran” ay nangangahulugang mamuhay ayon sa pamantayan ng katuwiran ng Diyos—mamuhay sa paraang umaayon sa Kanyang kalikasan at kalooban. Mahalagang maunawaan na hindi tayo nagkakaroon ng tamang katayuan sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasagawa ng katuwiran;


sa halip, ang ating pagsasagawa ng katuwiran ay katibayan na tayo ay tunay na ipinanganak na muli. Ang isang tunay na Cristiano ay hindi walang kasalanan, ngunit hindi siya mamumuhay sa kasalanan at paghihimagsik sa lahat ng mga araw ng kanyang buhay. Kung ang isang tao ay nagpapahayag na siya ay isang Cristiano, ngunit ang kanyang buhay ay minarkahan ng walang tigil na pagsuway sa Salita ng Diyos—nang walang pagsisisi o pagdidisiplina ng Diyos—makatitiyak na ang kanyang pagpapahayag ng pananampalataya ay hindi tunay.



2. Sa Efeso 4:22-24, inilalahad ng Banal na Kasulatan para sa atin ang paraan kung paano tayo mamumuhay nang matuwid sa harapan ng Diyos. Basahin ang teksto hanggang maging pamilyar ka sa nilalaman nito, at pagkatapos ay kumpletuhin ang sumusunod na gawain.


a. Dapat nating P(Put)__________ O(Off)__________ ang dating pagkatao (v.22). Sa kontekstong ito, ang “dating pagkatao” (literal na “dating tao”) ay tumutukoy sa taong dati nating pagkatao at sa makasalanang pamumuhay na kasama nito bago tayo nagbalik-loob. Yamang tayo ay tunay nang naging mga bagong nilalang kay Cristo (2 Corinto 5:17), dapat at maaari nating alisin ang mga makasalanang gawain ng taong dati nating pagkatao.


 b. Dapat tayong R(Renewed)________________________ sa espiritu ng ating M(Minds)__________ (v.23). Ang pagbabagong-bago ng ating pag-iisip ay isinasagawa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu na gumagawa sa pamamagitan ng Salita. Sa Roma 12:2, makikita natin ang katulad na paalala: “Huwag kayong makiayon sa sanlibutang ito, kundi magbago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip.” Habang lalo nating binabago ang ating pag-iisip sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan at lalo nating nililinang ang pag-iisip ni Cristo, lalo tayong magiging handang isantabi ang dating pagkatao kasama ang mga makasalanang gawi nito at isuot ang bagong pagkatao na nagpapakita ng katuwiran at kabanalan ng Diyos.


c. Dapat nating P(Put)__________ ang bagong pagkatao (v.24). Matapos nating alisin ang dating pagkatao kasama ang mga makasalanang gawain nito, dapat naman nating isuot, linangin, o pagyamanin sa ating sarili ang mga gawaing angkop sa ating bagong buhay bilang mga anak ng Diyos.


d. Ayon sa talata 24, kaninong wangis sumasalamin ang bagong pagkataong ito? Ilarawan ang wangis na ito.


MGA TALA: Ang karakter ng Diyos ang siyang huwaran ayon sa kung saan tayo ngayon ay dapat mamuhay—isang buhay na minarkahan ng katuwiran at kabanalan, na nakasalig at dumadaloy mula sa ating pagkakilala sa katotohanan at pagpapasakop dito.



WE SHOULD LIVE WITH GREAT CONFIDENCE IN GOD


1. Ang ganap na katuwiran ng Diyos ay isa sa mga pinakamalaking dahilan upang umasa sa Kanya, kahit sa gitna ng mga pagsubok. Dahil Siya ay matuwid, maaari nating ipagkatiwala ang ating buhay sa bawat Kanyang salita at gawa.


Ano ang itinuturo sa atin ng mga sumusunod na Kasulatan tungkol sa katotohanang ito?


a. Awit 92:15


MGA TALA: Sa Banal na Kasulatan, ang salitang “bato” ay madalas na ginagamit bilang pagtukoy sa Diyos (Deuteronomio 32:4; Awit 18:2; 94:22). Sa ganitong mga pagkakataon, ito ay nagpapahiwatig ng pagiging mapagkakatiwalaan, katatagan, at kalakasan. Ang Diyos ay lahat ng mga bagay na ito para sa Kanyang bayan sapagkat Siya ay “isang Diyos na tapat at walang kasamaan; Siya ay makatarungan at matuwid” (Deuteronomio 32:4).


b. Isaias 41:10


Personal na Sagot: Kapag nalalaman natin na ang Diyos ay matuwid, sinasabi ng teksto na hindi tayo dapat matakot at hindi dapat manglupaypay, sapagkat dahil dito, tutulungan Niya tayo, palalakasin Niya tayo, at aalalayan Niya tayo.


2. Ang katuwiran ng Diyos na umaakay sa atin upang magtiwala sa Kanya ay siya ring pundasyon at dahilan upang manalangin. Ano ang itinuturo sa atin ng mga sumusunod na teksto mula sa Lumang Tipan at Bagong Tipan tungkol sa katotohanang ito?


a. Awit 145:17-19


Personal na Sagot: Ito ay isa sa mga dakilang talata na nagbibigay sa atin ng higit na pagtitiwala sa ating Diyos. Ang dahilan kung bakit dapat tayong mamuhay nang may buong pagtitiwala ayon sa tekstong ito ay sapagkat, una, ang Panginoon ay makatarungan at mabuti sa lahat ng Kanyang mga pamamaraan; ikalawa, Siya ay malapit sa lahat ng tumatawag sa Kanya; at ikatlo, tinutupad Niya ang ninanais ng Kanyang mga anak at dinirinig ang kanilang daing.


b. Lucas 18:7-8


MGA TALA: Ang tanong na, “Pagdating ng Anak ng Tao, makakasumpong kaya Siya ng pananampalataya sa lupa?” ay mahalaga. Pinatutunayan nito na ang matiyagang pananampalataya at pananalangin ay kinakailangan upang matanggap at mapakinabangan ang Kanyang mga pangako.



WE SHOULD LIVE A LIFE OF WORSHIP TO GOD


1. Sa Awit 96:11–13, makikita natin ang isa sa pinakamakapangyarihang biblikal na panawagan upang sambahin ang Panginoon.


Ayon sa tekstong ito, ano ang dapat nating maging tugon sa katuwiran ng Diyos?


Personal na sagot: Sa tekstong ito, makikita natin kung paano ipinaliwanag ng Salmista ang likas na tugon sa kadakilaan ng Panginoon. Makikita natin na ang kalangitan at lupa ay nagagalak, ang dagat ay umaatungal, at ang lahat ng nilikha ay nagdiriwang dahil sa Panginoon. Ngayon, kung ang kalikasan ay tumutugon sa pamamagitan ng masayang pagsamba, gaano pa kaya tayo—ang mga taong kabilang sa Panginoon? Naniniwala ako na tayong nakaranas ng katuwiran ng Diyos ay dapat na masayang sumamba sa Kanyang kadakilaan.


2. Sa Pahayag 15:3–4 ay makikita ang isang panawagan na kahalintulad ng nasa Awit 96:11–13. Ayon sa tekstong ito, ano ang dapat nating maging tugon sa katuwiran ng Diyos?


Personal na sagot: May apat na tugon akong nakikita ayon sa mga talatang nabanggit. Una, pag-awit. Umawit sila ng awit ni Moises. Ikalawa, pagpapahayag. Ipinahayag nila kung gaano kapangyarihan, makatarungan, matuwid, at dakila bilang Hari ng sansinukob ang ating Diyos. Ikatlo, pagkatakot o banal na pagpipitagan. Kinikilala nila ang nag-iisa at tunay na banal na Diyos. At ikaapat, pagsamba. Ang Diyos ay matuwid at Siya lamang ang karapat-dapat sa ating pagsamba.



WE SHOULD PROCLAIM GOD’S RIGHTEOUSNESS TO OTHERS


1. Ayon sa Banal na Kasulatan, hindi lamang tayo dapat mabuhay nang matuwid sa harapan ng Diyos, magtiwala sa Kanyang katuwiran, at sumamba sa Kanya dahil sa Kanyang mga matuwid na gawa; kundi dapat din nating ipahayag ang Kanyang katuwiran sa lahat ng tao, malapit man o malayo. Ano ang itinuturo sa atin ng mga kasunod na talata kaugnay ng katotohanang ito? Paano natin dapat ilapat ang mga katotohanang ito sa ating buhay?


a. Awit 40:10 


Personal na sagot: Dalawang bagay ang ginawa ng psalwista (mang-aawit): una, hindi niya itinago o inilihim, at pangalawa, siya ay nagsalita. Ngayon ang tanong ay, ano ang hindi itinago ng psalwista? At ano ang kanyang isinalita? Sinasabi ng talata na hindi itinago ng psalwista ang kaligtasan, tapat na pag-ibig, at katapatan ng Diyos. At ito rin ang kanyang isinalita. Ito ang mismong pagsasabuhay na dapat gawin nating mga Kristiyano. Naranasan nating lahat ang mga bagay na ito mula sa Panginoon, at ang ating mga puso ay punong-puno ng mga ito mula sa Diyos. Dahil ang mga bagay na ito ay umaapaw sa ating buhay, dapat lamang na ito ay makita at marinig mula sa ating bibig.


b. Mga Awit 71:15-16


MGA TALA: Dalawang dakilang katotohanan ang inilalahad sa atin. Una, bagaman hindi natin lubos na nauunawaan ang kabuuan ng mga matuwid na gawa ng Diyos, hindi ito dapat maging hadlang upang sabihin sa iba ang ating nalalaman. Pangalawa, dapat tayong magsalita nang husto tungkol sa mga matuwid na gawa ng Diyos at hindi sa ating sarili. Gaya ng sinasabi ng psalwista, "Hindi sa amin, O PANGINOON, hindi sa amin, kundi sa Iyong pangalan ibigay ang kaluwalhatian" (Mga Awit 115:1).


c. Mga Awit 145:6-7


Personal na sagot: Dalawang katotohanan ang ipinapahayag ng mga psalwista rito: una, ipahahayag ng mga tao ang kapangyarihan ng Kanyang mga kahanga-hanga at dakilang gawa, at pangalawa, ipahahayag ng psalwista ang kadakilaan ng Diyos. Kanilang ipahahayag at aawitin ang kasaganaan ng kabutihan at katuwiran ng Diyos. Ito ay isang larawan ng paglilingkod sa pagsamba (worship service), at magiging larawan sa darating na kaluwalhatian sa hinaharap.


d. Jeremias 9:23-24


MGA TALA: Gaya ng natutuhan natin sa Mga Awit 71:15-16, hindi tayo dapat magmalaki sa ating sariling katuwiran o sa mga bagay na ating nagawa, kundi dapat tayong magmalaki sa katuwiran ng Diyos at sa Kanyang mga matuwid na gawa sa lupa.


2. Ayon sa 1 Pedro 2:9-10, ano ang isa sa mga dakilang layunin ng Simbahan sa Bagong Tipan at ng bawat indibidwal na mananampalataya? Paano tayo dapat mabuhay sa liwanag ng katotohanang ito?


MGA TALA: Inilagay tayo sa lupang ito upang ipahayag ang moral na kadakilaan at kahusayan ng Diyos sa lahat ng tao. Ginagawa natin ito sa pamamagitan ng ating patotoo, sa pagtuturo ng Kanyang Salita, at sa pamumuhay ng isang buhay na nagpapakita ng Kanyang kapangyarihan. Ito ay hindi lamang isang tungkulin, kundi isa ring dakilang karapatan at biyaya.


Personal Question:

  1.  Have you experienced the righteousness of God? If so, how did you respond?



bottom of page