
Maliwanag na inihahayag ng Kasulatan na ang Diyos ay may kalooban—ang kapangyarihang magpasya ng Kanyang mga gagawin (ibig sabihin, kung ano ang Kanyang gagawin) at ng wakas o layunin ng Kanyang nilikha (ibig sabihin, magagawa Niya ang Kanyang nais sa lahat ng Kanyang ginawa). Ang mga pagpili ng Diyos ay dumadaloy mula sa kung sino Siya; ang Kanyang kalooban ay pagpapahayag ng Kanyang likas at disposisyon. Mahalagang maunawaan na ang kalooban ng Diyos at ang kalooban ng tao ay dalawang magkaibang bagay. Ang Diyos lamang ang ganap na malaya na gawin ang anumang Kanyang niloloob sa Kanyang sarili, nang walang anumang hangganan o posibilidad ng pagkabigo. Ang pinakamatitibay na pasiya ng pinakamakapangyarihang tao ay kadalasang nauuwi sa wala.
1. Ano ang itinuturo sa atin ng mga sumusunod na Kasulatan tungkol sa kalooban ng Diyos? Mayroon bang anumang hangganan ang kalooban ng Diyos? May kapangyarihan bang makahahadlang sa kalooban ng Diyos?
a. Kawikaan 19:21
Maaaring magkaroon ang mga tao ng iba’t ibang gawain, plano, at kalooban, ngunit ang payo ng Diyos ang laging mananatili.
b. Isaias 14:27
Kapag ang Diyos ay nagpasya o nagpanukala ng isang bagay, walang sinuman—walang tao—ang makababago nito. Ang layunin ng Diyos ay laging magtatagumpay.
c. Isaias 46:9–10
Ipinahayag na ng Diyos ang lahat mula pa sa pasimula, at mayroon Siyang layunin sa bawat detalyeng mangyayari. Walang sinuman ang makababago sa Kanyang plano; kahit ang pinakamalakas na tao ay hindi kayang sumalungat sa kalooban ng Diyos.
d. Daniel 4:34–35
Si Nebucadnezar ay patunay ng isang makapangyarihang hari—taglay ang kayamanan at kapangyarihan, at namumuno sa isang bansa. Ngunit ano ang nangyari? Siya ay nagpakumbaba at nagpahayag na ang lahat ng kanyang kayamanan at kapangyarihan ay wala kung ihahambing sa Diyos. Ipinahayag din niya na kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang ninanais, walang sinuman ang makahahadlang dito.
e. Efeso 1:11
Itinakda ng Diyos ang lahat ng bagay ayon sa Kanyang layunin. Mapapansin na ang Diyos ang gumagawa ng lahat ng bagay ayon sa payo ng Kanyang kalooban.
2. Bagama’t ang kalooban ng Diyos ay hindi maaaring hadlangan ng sinumang tao o ng anumang puwersa sa labas ng Kanyang sarili, may mga bagay na hindi gagawin ng Diyos sapagkat salungat ang mga ito sa Kanyang lubos na banal at matuwid na likas. Ayon sa mga sumusunod na Kasulatan, anu-ano ang ilang bagay na hindi gagawin ng Diyos? Paano ito nagiging kaaliwan at pagpapala sa atin?
a. Tito 1:2
Hindi kailanman magsisinungaling ang Diyos, sapagkat ito ay laban sa Kanyang banal na likas.
b. II Timoteo 2:13
Hindi Niya kailanman ikakaila ang Kanyang sarili. Kapag Siya ay nangako ng isang bagay, Kanyang tutuparin ito. Iyan ang patunay ng Kanyang katapatan.
c. Santiago 1:13
Hindi maaaring tuksuhin ang Diyos, at hindi rin Siya nanunukso kaninuman, sapagkat ang tukso ay nagmumula sa diyablo.
NOTES: May dalawang dakilang katotohanang ipinahahayag sa tekstong ito. Una, ang Diyos ay hindi maaaring tuksuhin sapagkat Siya ay ganap na perpekto sa moralidad at ang bawat anyo ng kasamaan ay kasuklam-suklam sa Kanya. Ikalawa, ang Diyos ay hindi nanunukso ng sinuman. Maaaring subukin Niya ang Kanyang bayan para sa kanilang ikabubuti, ngunit hindi Niya sila tinutukso o inaakay upang magkasala.
Reflection/Discussion (Hayaan nating magisip at sumagot ang mga kabataan)
Base sa ating pinagaralan, bakit mahalaga na malaman natin na ang Diyos ay may sariling kalooban?
Personal na sagot:
a. Ihahanda tayo sa anuman mangyayari.
- Bilang isang nilikha , tayo ay nakasandal lamang sa Biyaya ng Diyos na tagapaglikha, at dahil alam natin na ang Diyos ay may sariling kalooban, lahat ng ating kalooban ay pwedeng magbago at ito ay nakaayon lamang sa kanyang mabuting kalooban. Kagaya ng sinabi sa Roma 8:28
28 At nalalaman natin na sa lahat ng mga bagay ang Diyos ay gumagawa sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, sa kanila na mga tinawag alinsunod sa kanyang layunin.
b. Ito ay nagpapakita na ang Diyos ay ang may control ng lahat.
- Ito ang kamangha-mangha sa ating Diyos, hindi niya tayo ginawa ng walang purpose, kundi ginawa niya tayo ng may purpose at ang lahat ng ito ay nakabase sa kanyang steadfast love na kagaya sa sinabi niya sa Psalm 138:8
"Tutuparin ng Panginoon ang kanyang layunin para sa akin;
ang iyong tapat na pag-ibig, O Panginoon, ay magpakailanman.
Huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong mga kamay."
- Dahil nga alam natin na siya ay soberanong may control ng lahat, wala tayong ibang gawin kundi ipagkatiwala ang lahat sa kaya, kagaya ng sinabi sa Proverbs 3:5-6
5 Sa Panginoon ay buong puso kang magtiwala,
at huwag kang manalig sa sarili mong pang-unawa.
6 Sa lahat ng iyong mga lakad siya'y iyong kilalanin,
at itutuwid niya ang iyong mga landasin.
2. Anu ang dapat na magiging reaksiyon natin sa Diyos kung ang ating kalooban o ninanais na mangyari ay hindi natupad? o sa ibang dako, kung dadaan tayo sa matinding probidensya na ibinigay ng Diyos, anu ang ating magiging tugon?
- Ang natural na reaction ng sangkatauhan ay ikwestiyon ang Diyos o hindi kaya magalit at sisihin ang Diyos, katula ng mga Israelita noong sila ay naglalakad sa ilang at nagugutom, sinisi nila ang Diyos, at mabuti pa daw na sila ay manatili sa Ehipto. (Exo 16:3)
3 Sinabi ng mga anak ni Israel sa kanila, “Namatay na sana kami sa pamamagitan ng kamay ng Panginoon sa lupain ng Ehipto, nang kami ay maupo sa tabi ng mga palayok ng karne at kumain ng tinapay hanggang sa mabusog; sapagkat kami ay inyong dinala sa ilang na ito upang patayin sa gutom ang buong kapulungang ito.”
Bagama't lagi natin tandaan na ang paraan ng Diyos ay iba sa paraan natin (Isaiah 55:8-9). Maraming Ehimplo sa Bibliya na kung saan kapag sila ay nakadaranas ng pasakit, ito ay nagdala sa kanila ng matinding pananalangin at pagdulog sa Panginoon. Kaya may maganda paalala sa atin si Santiago sa
James 5:13
"Mayroon ba sa inyong nagdurusa? Manalangin siya. Mayroon bang masaya? Umawit siya ng papuri."
At siyempre may Pangako ang Diyos, dahil ang panalangin ng mga matutuwid ay kanyang naririnig.
Psalms 34
17 Kapag ang matuwid ay humingi ng saklolo, ang Panginoon ay nakikinig,
at inililigtas sila sa lahat nilang mga gulo.
18 Ang Panginoon ay malapit sa may pusong wasak,
at inililigtas ang mga may bagbag na diwa.



