top of page
shutterstock_309076955_resized_edited.jpg

Ang kalooban ng Diyos ay sakdal sapagkat ito ay nakabatay sa Kanyang sakdal at lubos na banal na likas. Napakalaki ng mga implikasyon ng katotohanang ito. Ang layunin at panukala ng Diyos para sa atin ay lubos na karapat-dapat sa ganap na pagtitiwala. Hindi tayo dapat umasa sa sarili nating pagkaunawa o magsikap gawin ang sa tingin lamang natin ay tama. Sa halip, dapat tayong magtiwala sa Diyos at sumunod sa Kanyang Salita—ang Banal na Kasulatan.


1. Paano inilalarawan ang kalooban ng Diyos sa Roma 12:2?

“Huwag kayong makiayon sa sanlibutang ito, kundi kayo’y magbago sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang kalooban ng Diyos—kung alin ang mabuti, kalugud-lugod, at sakdal.”


a. M____________________.(Mabuti)

Ang salitang ito ay mula sa salitang Griyego na agathós at tumutukoy sa kung ano ang mabuti, kapaki-pakinabang, o matuwid.


b. K________________________.(Kalugod-lugod)

Ang salitang ito ay mula sa salitang Griyego na euárestos at tumutukoy sa kung ano ang nakalulugod, sinasang-ayunan, o katanggap-tanggap.


c. S______________________.(Sakdal)

Ang salitang ito ay mula sa salitang Griyego na téleios at tumutukoy sa kung ano ang ganap at walang kakulangan.


d. Paano tayo dapat hikayatin ng paglalarawan ng kalooban ng Diyos sa Roma 12:2 upang mamuhay sa pagsunod sa kalooban ng Diyos?


Sagot: Huwag makiayon sa mga masasamang gawa ng sanlibutan, kundi baguhin ang pagiisip, pagiisip ng nakaayon sa kagustuhan ng Diyos.


2. Ang mga sumusunod na Kasulatan ay nagbibigay sa atin ng pananaw kung paano tumugon nang wasto sa mabuti, kalugud-lugod, at sakdal na kalooban ng Diyos. Basahin ang mga talata at isulat ang inyong mga saloobin.


a. Ayon sa Mateo 6:9–10, paano tayo dapat manalangin patungkol sa kalooban ng Diyos?

“Manalangin kayo nang ganito:

‘Ama namin na nasa langit,

sambahin nawa ang iyong pangalan.

Dumating nawa ang iyong kaharian.

Mangyari nawa ang iyong kalooban,

dito sa lupa gaya ng sa langit.’”


Sagot: Ang panalangin natin ay dapat naka sentro sa Diyos. Ito ay dapat nakatuon sa pasamba sa kanya, sa pagtiwala sa muling pagdating niya, at pagtiwala sa anumang kalooban niya.


b. Ayon sa mga sumusunod na Kasulatan, paano natin dapat gawin ang kalooban ng Diyos?

(1) Awit 40:8

“Ikinagagalak kong sundin ang iyong kalooban, O aking Diyos;

ang iyong kautusan ay nasa aking puso.”


Sagot: Dalawang bagay ang nakita ko sa bersikolong ito. Una, ay sundin ng may kagalakan ang kahit anumang kalooban niya para sa atin, at ang pangalawa ay isapuso ang kanyang mga utos.


(2) Efeso 6:6

“Hindi bilang paglilingkod lamang kapag nakikita, gaya ng mga nagpapalugod sa tao, kundi bilang mga alipin ni Cristo, na ginagawa ang kalooban ng Diyos mula sa puso.”


Sagot: Sa bersikolong ito, hinahalintulad tayo sa isang alipin. Dito ipinapatukoy na si Kristo ay ang ating Master o Panginoon, at bilang kanyang alipin, ginagawa natin ang kanyang kalooban na mula sa puso mismo.


MGA PAALAALA:

Sa agarang konteksto, ang isinusulat ni Pablo ay patungkol sa paglilingkod ng mga aliping Cristiano sa kanilang mga amo. Gayunman, ang mga katotohanang ito ay may mas malawak na aplikasyon sa bawat aspeto ng buhay ng mananampalataya.


c. Paano ipinapakita ng buhay ng Panginoong Jesu-Cristo ang tamang saloobin at tugon sa kalooban ng Diyos? Paano natin Siya dapat tularan?


(1) Juan 4:32–34

“Ngunit sinabi niya sa kanila, ‘May pagkain akong kinakain na hindi ninyo nalalaman.’

Kaya’t sinabi ng mga alagad sa isa’t isa, ‘May nagdala kaya sa kanya ng makakain?’

Sinabi ni Jesus sa kanila, ‘Ang aking pagkain ay ang gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin at tapusin ang kanyang gawain.’”


Sagot: Dito, makikita natin na ang pagkain para kay Hesus ay ang gawin ang kalooban ng kanyang Ama, Bilang isang pagkain, kitang kita sa mga Salita ni Hesus na ang kalooban ng Diyos ang isa sa mga source ng kanyang kalakasan bilang isang tao. Nawa’y ganun din tayo, gawin nating pagkain ang kanyang kalooban at salita, at ito ay makikita sa Banal na Aklat.


(2) Juan 5:30

“Wala akong magagawa sa aking sarili; kung ano ang aking naririnig ay siyang aking hinahatol, at ang aking hatol ay matuwid, sapagkat hindi ko hinahanap ang aking sariling kalooban kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.”


Sagot: Dito nababasa natin kung gaano ka selfless ang Panginoong Hesus, talagang bilang isang nagkatawang tao o tao, nakasandal lamang siya sa kalooban hindi niya kundi ang kalooban ng kanyang Ama. Ito ay magandang halimbawa din para sa atin na dito sa mundo, hindi ang ating sariling kalooban ang dapat na masundo dahil ito ay nagiging sanhi ng maling hatol o desisyon, kundi ang kalooban lamang ng Diyos, dahil ang kalooban niya ay perpekto at matuwid.


3. Isa sa pinakamahalagang katotohanan sa Cristianismo ay na ang kalooban ng Diyos ay unang-una at higit sa lahat na ipinahahayag sa pamamagitan ng Salita ng Diyos (ibig sabihin, ang mga Kasulatan). Gaya ng kalooban ng Diyos, ang Salita ng Diyos ay sakdal, sapagkat ang Diyos ang May-akda at Tagapag-ingat nito. Ano ang itinuturo sa atin ng mga sumusunod na Kasulatan tungkol sa katotohanang ito? Paano tayo dapat tumugon?


a. Awit 19:7

“Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal,

nagbibigay-buhay sa kaluluwa;

ang patotoo ng Panginoon ay tapat,

nagbibigay-karunungan sa walang-muwang.”


Sagot: Dahil nga sakdal o perpekto ang mga utos ng Diyos ito ay nagbibigay buhay sa mga patay nating kaluluwa, bukod pa jan dahil ang kanyang patotoo ay tiyak, ito ay nagbibigay sa atin ng karunungan.


MGA PAALAALA:

Ang salitang “sakdal” ay isinalin mula sa salitang Hebreo na tamim, na tumutukoy sa kung ano ang ganap, buo, matibay, o walang kapintasan. Ang salitang “tapat” ay mula sa salitang Hebreo na aman, na tumutukoy sa kung ano ang pinagtibay, maaasahan, at mapagkakatiwalaan.2


b. Awit 12:6

“Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita,

gaya ng pilak na dinadalisay sa hurno sa lupa,

pinadalisay nang pitong ulit.”


Sagot: Kamangha-mangha ang description ng Salita ng Diyos dito. Ito ay hinahalintulad sa isang pilak na pinasalisay ng pitong ulit. Ang simbolo nito ay nagpapakita na ang Salita ay perpekto. Kaya dapat itong igalang at sundin.


MGA PAALAALA:

Ang mga Kasulatan ay lubos na mapagkakatiwalaan bilang paraan ng pagkilala sa kalooban ng Diyos. Ang mga sinaunang tao ay may mabisang paraan ng pagdalisay ng pilak—ito ay tinutunaw sa matinding init, at ang mga dumi ay umaangat sa ibabaw at inaalis. Ang pagsasabing ang Salita ng Diyos ay tulad ng pilak na pinadalisay nang pitong ulit ay nagpapahayag ng ganap nitong kadalisayan at, bilang bunga nito, ng pagiging mapagkakatiwalaan.


c. II Timoteo 3:16–17

“Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagsasaayos, at sa pagsasanay sa katuwiran, upang ang tao ng Diyos ay maging ganap, na nasasangkapan para sa bawat mabuting gawa.”


MGA PAALAALA:

Ang salitang “kinasihan” ay mula sa salitang Griyego na theópneustos, na literal na nangangahulugang “hiningahan ng Diyos.” Ang mga Kasulatan ay lubos na mapagkakatiwalaang patotoo sa kalooban ng Diyos sapagkat “ang bawat salita ay nagmumula sa bibig ng Diyos” (Deuteronomio 8:3; Mateo 4:4).


4. Ang Salita ng Diyos ang pangunahing paraan kung saan inihahayag ang kalooban ng Diyos. Ayon sa mga sumusunod na Kasulatan, ano ang dapat nating maging saloobin at tugon sa katotohanang ito?


a. Awit 1:1–2

“Mapalad ang taong

hindi lumalakad sa payo ng masasama,

ni tumatayo sa daan ng mga makasalanan,

ni nauupo sa upuan ng mga manunuya;

kundi ang kanyang kinalulugdan ay ang kautusan ng Panginoon,

at sa kanyang kautusan siya nagbubulay-bulay araw at gabi.”

Sagot: Ang mga taong pinagpala ng Diyos dahil sa pagiwas sa mga masasamang gawa ay nalulugod hindi sa sanlibutan kundi sa kautusan ng Diyos. Ito ay kanyang binubulay-bulayan araw-araw.


b. Awit 119:47–48

“Sapagkat ako’y nalulugod sa iyong mga utos na aking iniibig.

Itataas ko ang aking mga kamay patungo sa iyong mga utos na aking iniibig,

at bubulay-bulayin ko ang iyong mga tuntunin.”


Sagot: Ang Psalmista ay mayroong tugon patungkol sa utos ng Diyos base sa bersikolong ito. Unang una nalulugod siya sa utos, at ang utos ng Diyos ay kanyang iniibig. Pangalawa, Pinupuri niya ang Diyos dahil sa kanyang kautusan na kanyang iniibig. At ang pangatlo, ay Ipinagbulay- bulayan nito ang utos ng Diyos.


c. Awit 119:127–128

“Kaya’t iniibig ko ang iyong mga utos

higit pa sa ginto, oo, sa dalisay na ginto.

Kaya’t itinuturing kong matuwid ang lahat ng iyong mga tuntunin;

kinapopootan ko ang bawat maling daan.”


Sagot: Dito naman, dalawan declaration ang ibinahagi ng Psalmista: Unang una, Iniibig niya ang utos ng Diyos kesa sa anumang mahahalagang bagay dito sa mundo, pangalawa, ay itinuturing niya itong matuwid.


d. Ezra 7:10

“Sapagkat itinakda ni Ezra ang kanyang puso na pag-aralan ang kautusan ng Panginoon, at gawin ito, at ituro ang kanyang mga tuntunin at mga utos sa Israel.”


Sagot: Mkikita naman natin dito ang response ni Ezra sa kautusan ng Diyos. Ito ay kanyang pinagaaralan, ginagawa, at kinalaunan, ay ituro sa mga Israelita.


Reflection (Maiging hayaan ang mga kabataan na sumagot muna):

  1.  Ngayon alam natin na ang kalooban ng Diyos ay perpekto, anu naman ang ating magiging tugon kung ang ating sariling kalooban ay hindi nasunod?

bottom of page