
Isa sa mga pinakakahanga-hangang katangian ng Diyos (at isa sa maraming katangiang nagtatangi sa Kanya mula sa lahat ng nilalang) ay ang Kanyang walang hanggang pag-iral—Siya ay walang pasimula at walang wakas. Walang panahong Siya ay hindi umiiral, at wala ring panahong titigil ang Kanyang pag-iral. Siya ay bago pa ang lahat ng bagay at mananatili matapos ang lahat ay lumipas.
Ang pagiging walang hanggan ng Diyos ay hindi lamang nangangahulugang Siya ay laging umiiral at patuloy na iiral magpakailanman; ipinahihiwatig din nito na Siya ay lampas sa panahon at hindi tumatanda—laging umiiral at hindi nagbabago. Walang sinumang tao o anumang nilalang ang may ganitong katangian na katulad ng sa Kanya.
Tayo ay naririto lamang sa isang sandali, ngunit ang Diyos ay magpakailanman. Siya ang lumikha sa atin, ngunit walang sinumang lumikha sa Kanya. Umaasa tayo sa Kanya para sa ating mismong pag-iral, ngunit Siya ay hindi umaasa sa anuman o kaninuman. Ang ating buhay sa lupa ay lumilipas na parang buhangin sa loob ng isang orasan, ngunit Siya ay nananatili. Siya noon ay Diyos, Siya ngayon ay Diyos, at Siya ay magiging Diyos magpakailanman.
1. Sa Kasulatan, ang pangalan ng isang tao ay may malaking kahalagahan sapagkat madalas itong nagpapahayag ng isang bagay tungkol sa kanyang pagkatao o karakter. Ano-ano ang mga pangalang ibinigay sa Diyos sa mga sumusunod na talata, at ano ang itinuturo ng mga ito tungkol sa Kanyang pagiging walang hanggan?
a. I________ A________ (I Am) Na I________ A________(I Am) (Exodo 3:14). Ang ideyang ipinahahayag sa pahayag na ito ay na ang pag-iral ay likas na katangian ng mismong kalikasan ng Diyos. Hindi tulad ng tao, ang Diyos ay hindi nagpapasya na umiral o nagsisikap upang umiral. Siya ay basta umiiral.
b. Ang E______________________(Eternal) na Diyos (Isaias 40:28). Ang isang “walang hanggan” ay mananatili magpakailanman. Kapag iniugnay sa Diyos, ang salitang ito ay tumutukoy hindi lamang sa hinaharap kundi pati sa nakaraan. Siya ay laging umiiral noon pa man, at Siya ay mananatiling umiiral magpakailanman.
c. Ang A________________(Ancient) ng D_________(Days) (Daniel 7:9). Kapag ginamit patungkol sa tao, ang salitang “matanda”(Ancient) ay karaniwang nagpapahiwatig ng katandaan at kahinaan ng isip at katawan. Ngunit kapag ginamit patungkol sa Diyos, ito ay nagpapahayag ng kadakilaan, kaluwalhatian, kapangyarihan, at karunungan ng Isa na umiiral bago pa ang mismong mga pundasyon ng sanlibutan at patuloy na iiral kahit lumipas na ang mundo.
d. Ang A________________(Alpha) at ang O_______________(Omega) (Pahayag 1:8). Ito ang una at huling mga titik ng alpabetong Griyego. Makapangyarihan nitong ipinahahayag na ang Diyos ang una at ang huli (tingnan din ang Isaias 44:6). Siya ay bago pa ang lahat ng bagay at mananatili pa rin kapag ang lahat ay lumipas na.
2. Matapos nating isaalang-alang ang mga pangalan ng Diyos na nagsasalita tungkol sa Kanyang walang hanggang kalikasan, pag-aaralan naman natin ngayon ang ilang mahahalagang pahayag mula sa Kasulatan. Ano ang itinuturo ng mga sumusunod na talata tungkol sa walang hanggang kalikasan ng Diyos at sa Kanyang kaugnayan sa Kanyang nilikha? Paano nito ipinapakita ang Kanyang kadakilaan?
a. Job 36:26
Sagot:
Kung tayong mga tao ay may birthday, ang Panginoon naman ay wala, Kung ang taong kilala natin ay alam natin ang edad at kilala natin kung kailan ang kanilang birthday, hinding hindi naman natin alam kung kailan nagsimula ang Diyos. Hinding hindi natin kayang bilangin ang taon ng kanyang existence.
b. Awit 90:2
Sagot:
Ang bersikolo ay ipinapakita na bago pa magkaroon ng lupa at bundok, ang Diyos ay naroon na, at siya ay mageexist magpakailanman.
c. Awit 90:4; II Pedro 3:8
Si Apostle na Pedro ay gumagamit ng isang figure of speech na tinatawag nating metaphor. Hindi sinasabi ni Peter na ang equivalent sa 1000 sa atin ay isang araw lng sa Diyos, bagamat Ito ay simpleng nangangahulugan na ang Diyos ay hindi bounded ng ating oras. May sariling oras ang Diyos at hindi ito katulad ng oras natin.
3. Ang Diyos ay walang hanggan, walang pasimula at walang wakas. Ano ang mga implikasyon ng Kanyang pagiging walang hanggan para sa buong nilikha, lalo na para sa bayan ng Diyos? Ano ang itinuturo ng mga sumusunod na talata? Isulat ang iyong mga kaisipan.
Ang Paghahari ng Diyos ay Walang Hanggan
(1) Jeremias 10:10
Ang talata ay sinasabi na ang Diyos ay Hari, at ang kanyang pagiging Hari ay hindi tumitigil, siya ay Hari magpakailanman.
(2) Awit 45:6
Dito makikita natin unang una na ang trono ng Diyos ay banal, at ang pangalawa, ang banal niyang trono ay magpakailanman. Siya ay Hari magpakailanman.
(3) Awit 145:13; Daniel 4:34
Ipinapaliwanag ng talata na ang kingdom o ang kaharian ng Diyos ay mapa-walang hanggan. Hindi kailanman mawawala ang kanyang kaharian at hindi kailanman magagapi ng kahit kanino man. Bagama’t mananayiling makapangyarihan ito laban sa kahit nino man.
Ang Salita ng Diyos ay Walang Hanggan
(Isaias 40:6–8; tingnan din ang I Pedro 1:24–25)
Ipinapaliwanag ng Salita na ang lahat ng nilikha ng Diyos, lahat ng nakikita natin sa mundo ay mawawala, ngunit ang kanyang Salita ay hindi kailanman mawawala, ito ay mananatili magpakailanman.
Ang Kaligtasan at Pangangalaga ng Diyos para sa Kanyang Bayan ay Walang Hanggan
(1) Deuteronomio 33:27
Ang Diyos na ating sinasamba ay siyang Diyos na mapawalang-hanggang kanlungan natin. Kaya’t mapalad ang sinoman na nasa Panginoon.
TALA: Ang pariralang “tahanan” o “dakong tirahan” ay tumutukoy sa Diyos bilang kanlungan o taguan ng Kanyang bayan. Ang pagbanggit sa Kanyang mga bisig na “nasa ilalim” ay nagpapahiwatig ng suporta at lakas na ibinibigay Niya sa Kanyang bayan.
(2) Awit 48:14
Hindi lang mapawalang hanggang kanlungan ang Diyos natin, siya din ang ating guide o patnubay. Akalain mo, sobra sobra ang biyaya ng tao ng Diyos dahil tayo ay may guidance mapa-walang hanggan.
(3) Awit 102:25–28
Dito hinambing ang kahalagahan ng Diyos sa kanyang mga tao at sa ibang nilikha. Merun pangako ang Diyos sa kanyang mga tao, kung ang mga ibang nilikha kagaya ng langit at lupa ay mawawala, ito naman ang pangako niya mananatili silang anak at bayan ng Diyos magpakailanman.
TALA: Ikinukumpara rito ang nilikha (ibig sabihin, ang langit at ang lupa) at ang pangangalaga ng Diyos sa Kanyang bayan. Ang una ay lilipas, ngunit ang huli ay walang hanggan.
(4) Isaias 26:3–4
Ipinapakita ni Isaiah na iniingatan ng Diyos sa ganap na kapayapaan ang kanyang mga nagtitiwala sa kanya, at bukod sa kapayapaan prinipreserve din ng Diyos ang kaisipan ng kanyang mga tao.
(5) Isaias 40:28–31
Unang una ipinapakita ni Isaiah na ang Diyos ay hindi napapagod, at dahil hindi siya napapagod ang kalakasang binibigay niya sa kanyang mga tao ay hindi rin nauubos. Ito ay tuloy tuloy.
(6) Mateo 28:20
Ito ang isang pinakamagandang pangako ng Diyos sa mga tao niyang naghahayag ng ebanghelyo. Kasama nila si Kristo mapawalang-hanggan.
4. Ano ang dapat nating maging tugon sa katotohanan ng pagiging walang hanggan ng Diyos? Ano ang dapat nating maging saloobin, at paano tayo dapat mamuhay sa harap Niya? Ano ang itinuturo ng mga sumusunod na talata?
a. I Cronica 16:36, Daniel 4:34
Ang tugon ng tao ng Diyos sa kanyang pagiging walang hanggan, ay pagpupuri sa kanya. Ang papuri nito ay dapat magpa-walang hanggan.
d. 1Timoteo 1:17
Sinasabi ni Apostol na Pablo na ang lahat ng kaluwalhatian at karangalan ay karapat-dapat na ibigay sa Diyos magpawalang-hanggan.
Reflection:
Bakit mahalagang malaman na ang Diyos ay eternal? Anu ang implikasyon nito sa ating pananampalataya?