top of page
shutterstock_309076955_resized_edited.jpg

Isa sa mga pinakakamangha-mangha at nagpapakumbabang katotohanan tungkol sa Diyos ay na Siya ay ganap na malaya mula sa anumang pangangailangan o pag-asa sa iba. Ang Kanyang pag-iral (Existence), ang katuparan ng Kanyang kalooban, at ang Kanyang kaligayahan o mabuting kinalulugdan(good pleasure) ay hindi nakasalalay sa sinuman o sa anumang bagay na nasa labas ng Kanyang sarili. Siya lamang ang tanging Nilalang na tunay na may sariling pag-iral(Self Existent), sapat sa Kanyang sarili (Self Sufficient), nagpapanatili sa Kanyang sarili (Self Sustaining), ganap na malaya (Independent), at hindi umaasa kaninuman(Free).

Ang lahat ng iba pang nilalang ay tumatanggap ng kanilang buhay at pagpapala mula sa Diyos, ngunit ang lahat ng kinakailangan para sa pag-iral ng Diyos(God's existence) at sa Kanyang ganap na kaligayahan ay Kanyang nasusumpungan sa Kanyang sarili. Ang Diyos ay walang kakulangan o pangangailangan at hindi Siya umaasa kaninuman. Ang ituro o kahit ipahiwatig na nilikha ng Diyos ang tao dahil Siya ay nag-iisa o hindi ganap ay isang lubos na pagsalungat sa mga Kasulatan. Hindi nilikha ng Diyos ang sanlibutan o ang tao dahil sa pangangailangan, kundi dahil sa Kanyang nais na ipahayag ang kasaganaan ng Kanyang mga kasakdalan (superabundance of His perfections), kaluwalhatian, at kabutihan.


I. ANG PANGALAN NG DIYOS AY NAGPAPATUNAY NG KANYANG SELF EXISTENCE


1. Sa mga Kasulatan, ang isang pangalan ay may malaking kahalagahan sapagkat madalas nitong ipinahahayag ang isang bagay tungkol sa taglay nito. Anong pangalan ang ipinangalan ng Diyos sa Kanyang sarili sa Exodo 3:14? Ano ang ipinapahiwatig nito sa atin tungkol sa Kanyang kakayahang umiral at umasa sa Kanyang sarili lamang(Self Sufficiency)?

a. I A________ (AM) Who I A________(AM) (Exodus 3:14).

TALA: Ipinapakita ng pangalang ito na ang pag-iral ng Diyos ay hindi sanhi ng iba, at hindi rin nakasalalay sa anumang bagay o sinuman sa labas ng Kanyang sarili. Ito ang kalikasan ng Diyos na umiiral(God's nature to exist) , kaya Siya ay umiiral lamang nang walang kahirap-hirap. Walang pangangailangan ang Diyos na kailangang tugunan, walang kakulangan na kailangang punan, at walang layunin na nangangailangan ng tulong ng iba. Sa 1 Corinto 15:10, ipinahayag ng Apostol Pablo ang totoo sa lahat ng tao: “Sa biyaya ng Diyos, ako ay kung ano ako.” Tanging ang Diyos lamang ang may kakayahang ipahayag, “AKO AY AKO AY” dahil sa Kanyang sariling kasakdalan (perfections) at kapangyarihan.



II. ANG PAGIGING SOURCE NG BUHAY AY NAGPAPATUNAY NG KANYANG SELF EXISTENCE


2. Ano ang itinuturo sa atin ng mga sumusunod na Kasulatan tungkol sa sariling pag-iral at sapat na kakayahan ng Diyos? Paano ipinapakita ng mga katangiang ito ang kadakilaan ng Diyos?

  1. Psalm 36:9

Ps 36:9: "Sapagkat nasa iyo ang bukal ng buhay; sa iyong ilaw nakakakita kami ng liwanag."

Sagot:

Unang una ipinapakita na ang Diyos ang siyang source ng buhay, hindi mabubuhay ang kahit sinoman kung wala siya. At the same time, dahil sa kanya galing ang buhay, hindi niya kailangan ang sinoman para magkaroon siya ng ganito. Ang bersikolo din na ito ay nagpapatukoy din sa Juan 1:4. Na kung saan sinasabi doon na nasa kanya ang buhay at ang buhay ay siyang ilaw ng tao.

  1. John 5:26

John 5:26: "Sapagkat kung paanong ang Ama ay may buhay sa kanyang sarili, ay pinagkalooban din niya ang Anak na magkaroon ng buhay sa kanyang sarili.

Sagot:

Base sa sinabi ng talata, ang Ama ay may buhay na sa kanyang sarili, at the same time ang anak din ay ipinagkaloob din na may buhay sa kanyang darili. Ito ay nagpapatukoy na ang Diyos ay may buhay na sa kanila mismo nanggaling.

TALA: Ang buhay o pag-iral ng Diyos ay hindi hinango mula sa sinuman o sa anumang bagay sa labas ng Kanyang sarili. Siya ang Buhay. Kalikasan na Niya ang umiiral. Ang pag-iral ng lahat ng iba pang bagay—nakikita man o hindi, buhay man o walang buhay—ay nakasalalay sa Kanya. Tanging ang Diyos lamang ang tunay na malaya sa anumang pangangailangan o pag-asa sa iba.


III. Ang kanyang Kasarinlan (Self Sufficiency) ay hindi nakabatay sa kanyang mga nilikha


3. Ang kasarinlan (Self Sufficiency) ng Diyos ay nagpapakita ng Kanyang walang hanggang kadakilaan at ng Kanyang dakilang posisyon na nakahihigit sa Kanyang nilikha. Ang lahat ng bagay ay umaasa sa Kanya para sa mismong pag-iral nila, ngunit Siya ay hindi umaasa kaninuman. Sa Gawa 17:22–31, makikita natin ang sermon ni Apostol Pablo sa mga pilosopong Epicureo at Stoico sa Mars Hill. Sa talata 24–25, pinabulaanan niya ang kanilang mga idolatrong pananaw sa pamamagitan ng pagbibigay ng tatlong napakahalagang pahayag tungkol sa tunay at buhay na Diyos. Ano ang itinuturo sa atin ng mga pahayag na ito tungkol sa kasarinlan ng Diyos at sa Kanyang kaugnayan sa Kanyang nilikha?

a. Ang Diyos ay hindi naninirahan sa mga templong ginawa ng tao (tal. 24).

TALA: Sa Isaias 66:1–2, ipinahayag ng Diyos, “Ang langit ang Aking luklukan at ang lupa ang tuntungan ng Aking mga paa. Anong bahay ang itatayo ninyo para sa Akin, at saan ang lugar ng Aking kapahingahan? Ang lahat ng mga bagay na ito ay ginawa ng Aking kamay, at kaya ang lahat ng ito ay nagkaroon ng pag-iral,” sabi ng PANGINOON.

Sa I Mga Hari 8:27, nanalangin si Solomon, “Ngunit tunay bang maninirahan ang Diyos sa lupa? Narito, ang langit at ang pinakamataas na langit ay hindi kayang maglaman sa Iyo; gaano pa kaya ang bahay na aking itinayo!”

b. Ang Diyos ay hindi pinaglilingkuran ng mga kamay ng tao (tal. 25).

Sagot:

  • Anu ang implikasyon nito? Diba sa mga sumasamba sa Diyos diyosan, kailangan nilang bihisan, kung may sira aayusin, at linisin. Ang gamit sa orihinal na language ay θεραπεύεται(therapeuetai) which means to serve, which is gamit ng kamay ay para bang ginagamit natin ito upang paglingkuran ang kanyang imahe. Ito ay mali dahil ang Diyos ay hindi kailanman nangangailangan ninoman at bukod pa jan siya ay Espiritu.

c. Ang Diyos ay hindi nangangailangan ng anuman (tal. 25).

Sagot:

  • Dahil ang Diyos Ay Diyos, at siya ang Tagapaglikha, hindi niya kailangan sinoman.


Application

4. Upang tapusin ang ating pag-aaral tungkol sa sariling pag-iral at kasapatan sa sarili ng Diyos, isasaalang-alang natin ang Awit 50:8–15. Ano ang itinuturo ng talatang ito tungkol sa mga katangiang ito ng Diyos at tungkol sa ating kaugnayan sa Kanya? May kailangan ba ang Diyos mula sa atin? Ano ang ninanais ng Diyos mula sa Kanyang bayan?

  1. Tiwala

  2. Pasasalamat

  3. Pagsunod

TALA: Ang Diyos ay hindi nangangailangan ng ating tulong o kahit ng ating mga handog. Ang ninanais ng Diyos mula sa Kanyang bayan ay tiwala, pasasalamat, at pagsunod. Sa I Samuel 15:22, ipinahayag ng propetang si Samuel, “Mas higit ba ang kagalakan ng PANGINOON sa mga handog na sinunog at mga sakripisyo kaysa sa pagsunod sa tinig ng PANGINOON? Narito, ang pagsunod ay mas mabuti kaysa sa sakripisyo, at ang pakikinig ay mas mabuti kaysa taba ng mga tupa.”


Reflection: 

Bakit kailangan malaman natin na ang Diyos natin ay Self Sufficient and Self Existent? Anu ang kahalagahan nito sa ating pananampalataya?

bottom of page