
Ito ay patotoo ng Banal na Kasulatan na may iisa lamang na tunay na Diyos. Ang paniniwala sa iisang Diyos ay tinatawag na “monoteismo” [Griyego: mónos = isa, nag-iisa + theós = diyos], samantalang ang paniniwala sa higit sa isang diyos ay tinatawag na “politeismo” [Griyego: polús o polýs = marami + theós = diyos]. Ang pananampalatayang Kristiyano ay monoteistiko.
1. Sa Deuteronomio 6:4 ay matatagpuan ang isa sa pinakamahalagang pahayag sa buong Kasulatan. Ano ang pinatutunayan ng pahayag na ito? ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Personal na sagot: (Iisang Diyos) Ang mga Israelita ay nagpahayag na ang kanilang Panginoon ay kanilang Diyos. At ang Diyos nila ay iisa. Notes: Iisa lamang ang tunay na Diyos. Ito ang batong saligan ng pananampalataya sa Lumang Tipan at sa Bagong Tipan. Mahalaga na maunawaan na ang salitang “iisa” ay mula sa salitang Hebreo na echad, na madalas tumutukoy sa pagkakaisa ng higit sa isang persona. Halimbawa, sa Genesis 2:24 ay mababasa natin, “…sila (ibig sabihin, ang lalaki at ang babae) ay magiging isang laman”; at sa Ezra 3:1, “…ang buong bayan ay nagtipon bilang isang tao.” Ang katotohanang ito ay may malaking kabuluhan sa susunod na bahagi, kung saan ating tatalakayin kung ano ang kahulugan na ang iisang tunay na Diyos ay umiiral bilang Trinidad: ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo.
2. Ano ang pinatutunayan ng mga sumusunod na Kasulatan tungkol sa kalikasan ng Diyos? Mayroon pa bang ibang diyos bukod sa Diyos ng Kasulatan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
a. Deuteronomio 4:39 ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Personal na sagot:(Diyos ng Unibersidad) Ang Diyos na sinasamba ng mga Israelita ay ang Diyos ng Langit at mundo. Ito ay nagpapatunay na ang Diyos ay ang Diyos ng unibersidad. Sa talatang ito, napatunayan din na wala ng ibang Diyos maliban sa kanya. Notes: Ang paniniwala sa iisang tunay at buhay na Diyos ng Kasulatan ay dapat na nakatanim nang matibay sa pinakaloob na bahagi ng ating puso at isipan. Ito ang batong saligan ng kabuuan ng ating pananampalataya. Mahalaga rin na maunawaan na ang Diyos ng Kasulatan ay hindi lamang Diyos ng isang tiyak na lugar o saklaw (gaya ng paniniwala sa maraming diyos-diyosan noon). Ang “langit sa itaas at ang lupa sa ibaba” ay kumakatawan sa buong sansinukob—ang pisikal at espirituwal na daigdig. b. Isaias 43:10 ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Personal na sagot: Walang ibang Diyos na binuo at ang ating Diyos ay hindi kailanman binuo ng kahit kanino. Malinaw din ang sinasabi ng talata na wala ng ibang Diyos na kasunod niya. Notes: Tatlong mahahalagang salita ang matatagpuan sa talatang ito na gumagabay sa ating ugnayan sa Diyos. (1) Alamin – ito ay higit pa sa simpleng kaalaman tungkol sa Diyos; ito ay tumutukoy sa isang personal na relasyon sa Kanya. (2) Manampalataya – ang ating ugnayan sa Diyos ay hindi lamang nangangailangan ng kaalaman kundi ng pagtitiwala o pananampalataya. (3) Unawain – matapos tayong manampalataya sa iisang tunay na Diyos, dapat nating hangaring maunawaan ang mga implikasyon nito. Kung gayon, paano tayo dapat mamuhay?
c. Isaias 45:18 ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Personal na sagot: Ang Diyos ay siyang tagapaglikha at nilikha niya ang sanglibutan ng may buhay. Wala ng ibang Diyos maliban sa Panginoon. 3. Ayon sa mga sumusunod na Kasulatan, paano dapat mamuhay ang lahat ng tao sa liwanag ng katotohanang ang Diyos ng Biblia ay ang iisang tunay at buhay na Diyos? a. Exodo 20:2–6 ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Personal na sagot: Unang una, wla na dapat tayong ibang sinasamba kundi ang nagiisang Diyos, ang Diyos ng unibersidad, Diyos na hindi nilikha, at ang Diyos na siyang tagapaglikha ng unibersidad. Pangalawa, huwag tayong gumawa ng imahe o diyos diyosan, at ito ay sambahin. Notes: The phrase “before Me” (v.3) is literally, “before My face.” It means that the Lord should be our God and that there should be no other competing loyalties in our heart. Any person or thing that we value or serve more than God is a false god. The jealousy of God (v.5) should not be confused with the jealousy of sinful men that is a result of their envy and selfishness. God is jealous in that He will not surrender His claim to that which is rightfully His. He cannot deny who He is—the one true God, Creator of the heavens and the earth.
b. Marcos 12:28–30 ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Personal na sagot: Mamuhay ng nagmamahal sa Diyos ng buong puso, buong kaluluwa, buong pagiisip, at buong lakas. Reflection at Personal na tanung: 1. Gaano kahalaga ang malaman na may iisang tunay at buhay na Diyos? 2. Sinasabi ng unang utos na “Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap ng iisang tunay na Diyos.” Mayroon bang pagkakataon sa iyong buhay na ang Diyos ay kailangang makipagtagisan sa ibang mga bagay o katapatan sa iyong puso? Ano iyon at ano ang iyong ginawa?