top of page
shutterstock_309076955_resized_edited.jpg
Ang salitang “Trinidad(Trinity)” ay nagmula sa salitang Latin na trinitas, na ang ibig sabihin ay “tatluhan/threefold” o “tatlo sa iisa.” Pinatutunayan ng Biblia na ang iisang tunay na Diyos ay umiiral bilang isang Trinidad: ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo. Sila ay tatlong magkaibang Persona na maaaring makilala sa isa’t isa, subalit iisa ang kanilang likas na pagka-Diyos at sila ay nananatiling nagkakaisa sa walang patid na pakikipag-ugnayan. Mahalagang tandaan na ang salitang “Trinidad” ay hindi tuwirang matatagpuan sa Kasulatan, ngunit unang ginamit ni Tertullian (isa sa mga unang Ama ng Iglesia) upang ilarawan ang itinuturo ng Biblia tungkol sa tatluhang kalikasan ng Diyos. 1. Sa Mateo 28:19 ay matatagpuan ang pahayag na ginagamit sa bawat binyag ng mga Kristiyano, ayon sa utos mismo ng Panginoong Jesu-Cristo. Ang pahayag na ito ay isang kamangha-manghang halimbawa ng pagkakaisa at pagka-Trinidad ng Diyos. a. The Lord Jesus commanded us to baptize in the N_______(Name) of the Father, Son, and Holy Spirit. NOTES: Pansinin na ang salitang “name” (pangalan) ay nasa isahan (singular), ngunit ito ay iniuukol sa tatlong magkaibang Persona. Hindi sinabi ng talata na “in the names” (sa mga pangalan) ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu, kundi “in the name” (sa pangalan) nila, sapagkat ang Tatlo ay Iisa. 2. Ang pananaw tungkol sa Diyos bilang Trinidad na nakita natin sa Mateo 28:19 ay makikita rin sa kabuuan ng Kasulatan. Basahin ang 2 Corinto 13:14, at kumpletuhin ang mga parirala: a. The grace of the Lord J_____(Jesus) C_____(Christ). b. The love of G______(God). c. And the fellowship of the H_____(Holy) S_____(Spirit) be with you all. NOTES: Ang pagkakaayos ng mga pariralang ito ay nagpapakita ng ganap na pagkakapantay-pantay. Kapansin-pansin na binanggit pa nga ang Anak bago ang Ama. Ito ay magiging kalapastanganan na banggitin ang Anak at ang Espiritu Santo sa parehong antas ng Diyos Ama kung hindi sila kapantay sa pagka-Diyos. (Sanggunian din: 1 Corinto 12:4–6; Efeso 4:4–6; 1 Pedro 1:2) 3. Ang Ama, Anak, at Espiritu Santo ay iisa sa likas na pagka-Diyos at nananahan sa ganap na pagkakapantay-pantay at pagkakaisa; subalit sila rin ay tatlong magkaibang Persona, hindi lamang isang Persona na nagpapakita sa tatlong magkaibang paraan. Sa mga sumusunod na talata, malinaw na pinatutunayan ang katotohanang ito. a. Marcos 1:10–11 (1) The S____(Son) is baptized (v.10). (2) The S____(Spirit) descends (v.10). (3) The F____(Father) speaks from heaven (v.11). b. Juan 14:16–17 (1) The S____(Son) prays to the Father (v.16). (2) The F____(Father) gives the Helper or Holy Spirit (vv.16–17). (3) The S____(Spirit) lives with and in the Christian (v.17). NOTES: Mula sa mga simpleng talatang ito ng Kasulatan, malinaw na ang Ama, Anak, at Espiritu Santo ay tatlong magkaibang Persona. Ang Diyos ay hindi tatlong magkahiwalay na mga nilalang o tatlong anyo ng isang Persona, kundi tatlong Persona na nagkakaisa sa iisang pagka-Diyos. Hindi tatlong magkaibang Diyos, ni hindi rin iisang Persona lamang ang Diyos na nagsusuot ng tatlong magkaibang maskara o nagpapakita sa tatlong magkaibang anyo. Ang Diyos ng Kasulatan ay umiiral bilang tatlong magkaibang ngunit pantay na mga Persona, na iisa sa Kanilang banal na likas o kalikasan, at nananahan sa ganap na pagkakapantay-pantay at pagkakaisa. 4. Bagaman ang Ama, Anak, at Espiritu Santo ay magkapantay at nananahan sa ganap na pagkakaisa, madalas silang gumaganap ng magkakaibang tungkulin at nagpapahayag ng kanilang sarili sa iba’t ibang paraan. Itinuturo ng mga sumusunod na talata ng Kasulatan ang katotohanang ito: a. Ang F_________(Father) ay ang di-nakikitang Diyos na hindi pa nakita ng sinumang tao (Juan 1:18). b. Ang S_______(Son) ay ang Diyos na nagkatawang-tao at ang ganap na kapahayagan ng Ama (Juan 1:1, 14, 18; 14:9). c. Ang S_______(Spirit) ay ang Diyos na nananahan sa loob ng Kristiyano (Roma 8:9; Juan 14:16–17, 23).
bottom of page