top of page
shutterstock_309076955_resized_edited.jpg

Pagpapatuloy ng aralin tungkol sa Pagka-Diyos ng Anak…

Tatapusin natin ang bahaging ito sa pamamagitan ng pagtalakay ng ilan pang mahahalagang talata kung saan ang Anak ay tinutukoy nang direkta bilang Diyos. Mahalaga ring tandaan na ang mga talatang ito tungkol sa pagka-Diyos ng Anak ay sinabi kahit pagkatapos ng Kanyang pagkakatawang-tao. Ang ipinahahayag na katotohanan ay na noong ang walang hanggang Anak ay naging tao, hindi Siya tumigil na maging Diyos sa alinmang aspeto ng termino.


a. “Aking P(anginoon)__________ at aking D(Diyos)__________” (Juan 20:28).

Ang unang titulo ay mula sa salitang Griyego na kúrios, na ginagamit sa buong Septuagint (Griyegong Lumang Tipan) bilang nag rerepresent kay Yahweh (o Jehova). Ang ikalawang titulo ay mula sa salitang Griyego para sa Diyos—theós. Kung ang mga salita ni Tomas ay resulta lamang ng maling sigasig, tiyak na itinuwid siya ni Jesus. Kung si Jesus ay hindi Panginoon at Diyos, kapwa si Tomas at si Jesus ay magkakasala ng kalapastanganan o Blasphemy—ang pinakamasahol na paglabag laban sa Diyos.


b. “Ang ating dakilang D(Diyos)__________ at T(Tagapagligtas)__________” (Tito 2:13).

Ito ay isa na namang direktang pagtukoy sa Anak bilang Diyos. Gayunpaman, huwag nating kaligtaan na ang titulong “Tagapagligtas” ay isa ring patunay ng pagka-Diyos ng Anak. Sa Isaias 43:10–11, idineklara ng Diyos, “Ako, ako ang Panginoon, at bukod sa akin ay walang tagapagligtas.”
Kung si Cristo ang ating Tagapagligtas, Siya rin ay Diyos. Kung hindi Siya Diyos, hindi Niya tayo maaaring iligtas. Tungkol sa Anak, sinabi ni Pedro, “Walang kaligtasan sa kaninuman maliban sa Kanya” (Gawa 4:12). Samakatuwid, kailangan Siyang maging Diyos!


c. “Na Siya ang D(Diyos)__________ ng lahat, purihin magpakailanman” (Roma 9:5).

Matapos patunayan ang pagkakatawang-tao ng Anak (“si Cristo ayon sa laman”), pinagtitibay ni Pablo na Siya ay Diyos. Maaari rin itong isalin na, “na Siya ay higit sa lahat, Diyos na purihin magpakailanman” (NASB).


d. “Ang iyong T(trono), O D(Diyos)” (Hebreo 1:8).

Sa kontekstong ito, ang Ama mismo ang tumatawag sa Kanyang Anak bilang Diyos. Matapos ang Kanyang kamatayan at pagkabuhay na mag-uli, ang Anak ng Diyos ay muling itinaas sa kanan ng Ama, kung saan Siya’y naghahari bilang Diyos at Tao.


ANG ESPIRITU AY DIYOS


1. Sa Gawa 5:3–4, hinarap ni Apostol Pedro si Ananias tungkol sa kanyang kasakiman at panlilinlang. Sa paggawa nito, nagbibigay din siya ng kaunawaan tungkol sa kalikasan at pagka-Diyos ng Espiritu. Basahin ang teksto at punan ang mga patlang.

a. Ayon sa talata 3, sinabi ni Pedro na nagsinungaling si Ananias sa B(Banal)__________ na E(Espiritu)__________.
b. Ayon sa talata 4, sinabi ni Pedro na nagsinungaling si Ananias sa D(Diyos)__________.

Mga Tala: Ito ay matibay na pagpapatunay hindi lamang ng pagka-Diyos ng Espiritu kundi pati na rin ng katotohanan na ang Espiritu ay Isang Persona at hindi isang impersonal na kapangyarihan. Ibig sabihin, ang Espiritu ay may Will, Mind, at Emotion, at siya ay kumikilos ng personal na pamamaraan sa bawat tao. Ang pagsisinungaling sa Banal na Espiritu ay pagsisinungaling sa Diyos, sapagkat ang Espiritu ay Diyos.


2. Sa I Corinto 3:16 at 6:19, itinuro ni Pablo na ang mananampalataya ay templo ng Diyos—isang matibay na patunay sa pagka-Diyos ng Espiritu. Basahin at sagutan:

a. Sa I Corinto 3:16, ang mananampalataya ay tinawag na templo ng D(Diyos)__________.
b. Sa I Corinto 6:19, ang mananampalataya ay tinawag na templo ng B(Banal)__________ E(Espiritu)__________.

Mga Tala: Kung hindi tinuturing ni Pablo ang Espiritu bilang tunay na Diyos, hindi Siya kailanman gagamit ng mga terminong ito. Ang termino katulad ng Diyos at Banal na Espiritu ay parang iisang kahulugan lamang. Ito ay sapat na ebidensya ng pagka Diyos ng Esiritu ayun kay Pablo.


3. Sa Roma 8:9, may deklarasyon tungkol sa pagka-Diyos ng Espiritu at isang larawan ng Trinidad. Punan:

a. E(Espiritu)__________ — Ang Banal na Espiritu ay tunay na Persona, at hiwalay sa Ama at Anak.
b. E(Espiritu)__________ ng D(Diyos)__________ — Ang Diyos Ama at ang Espiritu ay iisa.
c. E(Espiritu)__________ ni C(Cristo)__________ — Ang Diyos Anak at ang Espiritu ay iisa.


PAGNINILAY


I. Sa Bagong Tipan ay maraming talata tungkol sa Pagka-Diyos ng Espiritu. Sa Lumang Tipan, paano natin mapatutunayan ang Pagka-Diyos ng Espiritu Santo?

(Hayaan munang mag-isip ang estudyante, at pasagutin)


Posibleng Sagot:
1. Ang Espiritu ay Manlilikha. Ipinakita sa Genesis 1:2 na ang Espiritu ng Diyos ay “lumipad-lipad” o “gumagalaw” sa ibabaw ng tubig, na nagpapakitang ang Espiritu ay kasama sa paglikha. Ayon kay Michael Bird:

“Ang kapangyarihang lumilikha at nagbibigay-buhay sa mundo. Makikita ito higit sa lahat sa paglikha, kung saan ang Espiritu ng Diyos ay lumulutang sa ibabaw ng tubig bilang paghahanda sa pagbigkas ng Diyos na lumikha.”

Ibig sabihin, ang Espiritu ay umiiral na at gumagawa bago pa man sabihin ng Diyos ang “Let there be.”

2. Ang Espiritu ng Diyos ay iniuugnay din sa hininga ng Makapangyarihan at Siya ang pinagmumulan ng buhay ng tao (Job 33:4; 34:14; Awit 33:6). Ang gawaing lumilikha at nagbibigay-buhay ng Espiritu ay itinatanghal sa Awit 104:29–31 bilang gawa ng Panginoon mismo.

3. Ang pag-alis ng Espiritu kay Haring Saul (1 Sam 16:14) ay pag-alis din ng Panginoon (1 Sam 18:12). Sa Ezekiel, ang Espiritu ay katumbas ng kamay ng Panginoon (Ezek 3:14; 8:1–3; 37:1).

Source: Evangelical Theology – Michael Bird


II. Bakit mahalagang malaman ang kalikasan at pagpapakilala sa Espiritu Santo bilang Diyos?

(Hayaan munang mag-isip ang estudyante)

Personal na Sagot:
1. Ang Pagka-Diyos ng Espiritu Santo ang nagbibigay katiyakan sa birheng paglilihi ni Cristo; ang imposibleng bagay na ito ay maaari lamang gawin ng Diyos (Luke 1:37, Matthew 19:26). Ang Biblia ay nagpapatunay na ang Espiritu ay “pumaroon kay Maria” at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ang tumabing sa kanya.

2. Kung ang Espiritu ay hindi Diyos, hindi tayo maliligtas, sapagkat Diyos lamang ang makapagbibigay-buhay sa espirituwal na patay at makapagbabago sa atin mula sa ating kasalanan (Tito 3:4–5).

3. Kung ang Espiritu ay hindi Diyos, hindi ako malilikha, sapagkat Siya ang Manlilikha (Job 33:4; Gen 1:2).


III. Paano maaapektuhan ang ating buhay espirituwal kung hindi natin kilala ang tunay na kalikasan ng Espiritu?

(Hayaan munang mag-isip ang estudyante)

Personal na Sagot:
Ang bunga ng Espiritu ay nakasalalay sa mismong Espiritu. Kung ang Espiritu ay hindi Diyos, ako’y mananatiling alipin ng laman (Roma 8:7–9) at hindi kailanman makapagbubunga ng bunga ng Espiritu (Gal 5:22–23).
Ibig sabihin, ang Pagka-Diyos ng Espiritu ay mahalaga sa aking paglago, sapagkat Siya ang gumagawa sa akin upang sundin ang kalooban at utos ng Diyos.

bottom of page