top of page
shutterstock_309076955_resized_edited.jpg

I. Paano tayo dapat mamuhay ngayon?

Matapos masaksihan ang dakilang kahalagahan na ibinibigay ng Kasulatan sa pagkakilala sa Diyos, dapat nating tanungin ang ating sarili: “Paano nga tayo dapat mamuhay?” o “Ano ang nararapat nating tugon?” Lagi nating tandaan na sa buhay Kristiyano ay hindi lamang mahalaga ang ating nalalaman, kundi pati na rin kung paano tayo mamumuhay batay sa ating nalalaman!

  1. Naglalaman ang Awit 105:4–5 ng makapangyarihan at magandang paalaala na hanapin ang Panginoon. Pag-isipan nang mabuti ang teksto; isulat ang iyong mga saloobin. Paano natin maisasabuhay ang paalalang ito?

__________________________________________________________________________________________________________________

​​PERSONAL NA SAGOT:

Malinaw na itinuturo ng Kasulatan na dapat nating hanapin ang Panginoon, ang Kanyang mga kaloob, at ang Kanyang presensya nang patuloy. Isa rin sa mga paraan upang hanapin ang Panginoon at ang Kanyang lakas ay ang alalahanin ang ating kaalaman tungkol sa Kanya, lalo na ang Kanyang mga makapangyarihang gawa at Kanyang mga paghatol. Ang pagsasagawa nito ay hindi lamang dapat gawin sa panahon ng mga pagsubok, kundi maging bilang isang araw-araw at panghabang-buhay na gawain at debosyon.

   2. Hindi sapat na simulan lamang ang paghahanap sa Panginoon; ito ay dapat maging panghabang-buhay na gawain sa ating buhay. Ano ang itinuturo sa atin ng Hosea 6:3 tungkol sa katotohanang ito, at ano ang ipinangako nito sa lahat ng matiyagang nagsisikap na makilala ang Panginoon?

___________________________________________________________________________________________________________________

Hinahikayat tayo ng Hosea 6:3 na magpatuloy sa pagkakilala sa Panginoon, na nangangahulugang dapat tayong maging determinado o pagsikapin na hanapin at kilalanin ang Diyos araw-araw. Gumagamit ang talata ng talinhaga ng ulan na bumabagsak upang diligin ang lupa. Ang pagdidilig sa lupa o mga halaman ay mahalaga upang ang mga ito ay lumago nang malusog at matatag. Ito ang ipinangako ng Diyos sa atin: kung tayo ay magiging determinado na makilala Siya araw-araw, Siya ay magiging tulad ng ulan na dumidilig sa lupa, at tayo naman ay magiging tulad ng mga halamang nangangailangan ng tubig upang lumago.

NOTE:

Ang pariralang “press on” ay mula sa salitang Hebreo na rādap̄, na nangangahulugang “sumunod, habulin, sikaping marating, o itaboy na may pagsisikap.” Ipinapakita nito na hindi dapat maging pabaya o walang malasakit ang isang tao sa paghahanap sa persona at kalooban ng Diyos. Sa halip, dapat tayong maging determinado at aktibo—maging masigasig at masikap sa ating paghahangad na makilala ang Diyos.

   3. Hindi lamang tayo iniuutusan ng Diyos na hanapin Siya, kundi binigyan Niya rin tayo ng napakaraming dakila at mahalagang mga pangako upang tayo ay palakasin at mahikayat. Sa Kawikaan 2:2–5 matatagpuan ang isa sa pinakamakapangyarihang pangako sa Kasulatan tungkol sa pagkakilala sa Diyos. Pag-isipan at suriin ang talatang ito, at isulat ang iyong mga saloobin.

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

PERSONAL NA SAGOT:

Sinasabi ng talata na kung magsisikap tayong hanapin ang Diyos at ang Kanyang karunungan na parang naghahanap ng napakamahalagang kayamanan, itaas ang ating tinig sa pamamagitan ng Panalangin , ituon natin ang ating puso sa Kanyang mga salita, at ilalaan natin ang ating sarili sa pag-unawa sa Kanyang mga daan, ang takot sa Panginoon ang magtuturo sa atin ng tamang pagkaunawa tungkol sa Kanya at sa Kanyang kalooban. Ipinapangako rin nito na matutuklasan natin ang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos.

NOTES:

May hindi mapaghihiwalay na ugnayan sa pagitan ng Kasulatan at panalangin. Dapat nating itaas ang ating tinig sa Diyos sa panalangin upang ipagkaloob Niya sa atin ang kaalaman tungkol sa Kanyang sarili at ang pag-unawa sa Kanyang kalooban. Dapat din nating hanapin ang kaalamang ito na gaya ng paghahanap sa pilak o sa nakatagong kayamanan sa kailaliman ng isang yungib o minahan. Mapapansin din natin na may tuwirang kaugnayan sa pagitan ng pagkakilala sa Diyos at ng paggalang o pagkatakot sa Kanya. Habang lalo natin Siyang nakikilala, lalo natin Siyang igagalang at pararangalan sa ating buhay.

   4. Ayon sa mga sumusunod na talata mula sa Kasulatan, ano ang isa sa pinakamalinaw na katangian ng mga matuwid (yaong mga namumuhay sa tamang relasyon sa Diyos)?

         a. Psalm 27:8

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

PERSONAL NA SAGOT:

Ang Awit na ito ni David ay isang mahusay na halimbawa kung paano dapat tumugon ang isang Kristiyano sa utos ng Diyos. Yamang iniutos ng Diyos na hanapin natin Siya, dapat tumugon ang ating puso sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya at masiglang paghahangad na makilala Siya.

         b. Philippians 3:7-8

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

PERSONAL NA SAGOT:

Malinaw na itinuturo ng talata na dapat nating ituring na walang halaga ang lahat ng bagay alang-alang kay Cristo. Ang bawat materyal na bagay at karunungang makamundo ay walang saysay kumpara sa pagkakilala sa Anak ng Diyos na si Jesus Cristo. Ang kaalaman tungkol sa kung sino si Jesu Cristo at kung ano ang ginawa Niya para sa atin ang siyang pinakamahalagang katotohanang dapat nating patuloy at araw araw na hanapin.

NOTES:

Isa sa pinakamalinaw na katangian ng mga matuwid ay ang kanilang paghahangad na makilala ang Diyos at ang Kanyang kalooban. Bagama’t pati ang pinakaganap at masigasig na mga mananampalataya ay nakararanas pa rin ng pakikipaglaban sa kasalanan at pagiging manhid sa espirituwal, lahat tayo ay dapat magpatuloy sa pagsisikap na makilala ang Diyos. Ang pagkakilala sa Kanya at ang pagbibigay-lugod sa Kanya ang dapat maging pinakadakilang layunin at pangunahing katotohanan na gumagabay sa ating buhay.

   5. Ayon sa mga sumusunod na talata mula sa Kasulatan, ano ang isa sa pinakamalinaw na katangian ng mga masama?

        a. Job 21:14-15

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

PERSONAL NA SAGOT:

Ito ang pinakanatural na tugon ng masamang tao. Ayaw nilang makialam ang Diyos sa kanilang buhay. Nais nilang alisin ang Diyos sa lahat ng bagay. Tingnan ang kanilang paraan ng pag-iisip—naniniwala sila at tinuturing nila na wala silang makukuhang anumang pakinabang sa pagsunod sa Diyos na lumikha sa kanila. Ito ay isang napakamasariling katangian ng tao, hindi nila alam na ang lahat ng bagay na merun sila lalong lalo na ang buhay nila ay hawak ng Diyos at ito ay galing lahat sa kanya.

        b. Psalm 14:1-3

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

PERSONAL NA SAGOT:

Bukod sa ayaw nila sa Diyos, isa pang katangian ng masasama ay ang kanilang pag-aangkin na walang Diyos. Ayaw nilang magkaroon ng Diyos sa kanilang buhay dahil mahal nila ang paggawa ng masama at kasalanan. Ayaw nilang maniwala sa Diyos dahil iniisip nila na magiging hadlang lamang Siya sa kanilang masasamang gawain.

NOTES:

Dapat nating laging alalahanin na tayo rin ay minsang katulad ng mga taong inilarawan sa Job 21:14–15 at Awit 14:1–3, at nananatili sana tayong ganoon kung hindi dahil sa biyaya ng Diyos. Minamahal natin Siya ngayon dahil Siya ang unang umibig sa atin (1 Juan 4:19). Hindi natin Siya hinanap, kundi Siya ang humanap sa atin (Roma 3:11; Lucas 15:1–10). Hindi natin Siya pinili, kundi tayo ang pinili Niya (Juan 15:16). Anumang mabuting nagagawa natin at anumang pagnanais natin para sa Diyos ay bunga ng Kanyang paggawa sa atin (Efeso 2:10). Kaya, “Ang nagmamapuri ay magmapuri sa Panginoon” (1 Corinto 1:31).

REFLECTION AT TANONG SA MGA ESTUDYANTE:

1. Sa palagay ba natin maari tayong makakapamuhay ng kalugod-lugod sa Diyos kung hindi natin kilala ang Diyos?

Possible na sagot: Hebrew 11:6, Ephesians 2:10, John 15:5

2. Ito ay advance na tanong, Paano ipinakita ng Diyos ang kanyang kaalaman sa mga tao?

Possible na sagot: Colossians 1:15, Colossians 2:3

bottom of page