Ps 139:11-14: "Kung aking sabihin, "Takpan nawa ako ng dilim, at maging gabi ang liwanag na nakapalibot sa akin," kahit ang kadiliman ay hindi madilim sa iyo, at ang gabi ay kasinliwanag ng araw; ang kadiliman at kaliwanagan ay magkatulad sa iyo. Sapagkat hinubog mo ang aking mga nasa loob na bahagi, at sa bahay-bata ng aking ina ako'y iyong hinabi. Ako'y magpapasalamat sa iyo sapagkat ang pagkagawa sa akin ay kakilakilabot at kamanghamangha. Ang iyong mga gawa ay kahangahanga; at iyon ay nalalamang mabuti ng aking kaluluwa."

Introduction:
Nagsimulang magkamali ng oras ang malaking orasan sa gitna ng plasa ng lungsod. Sinisi ng mga tao ang katandaan nito, ang panahon, o ang maling paggamit. Nagdebate-debate sila tungkol sa sanhi, ngunit wala ni isa ang nakapag-ayos nito. Isang matandang lalaki ang lumapit at humingi ng pahintulot na suriin ang orasan. Nakinig siya, binuksan ang kaha, at marahang inayos ang isang maliit na spring. Muling umandar nang wasto ang orasan. “Paano mo nalaman?” tanong nila. “Ako ang gumawa nito,” sagot niya. “Alam ko kung alin ang tunog na mali, at alam ko ang bawat parte ng orasang ito dahil ako ang gumawa nito” muling sambit ng matandang lalaki.
Ang Psalmo ay nagpapatukoy na ang bawat tao ay may nag iisang Diyos na Manlilikha, at dito, pinapatunayan ng Psalmita na ang Diyos na tagapaglikha ng tao ay mayroong malalim na pagkaunawa at pagkakaalam sa kanyang nilikha. Makikita natin sa textang tatlong bagay na nagpapatukoy sa kakayahan ng Diyos at pag kakalikha ng sangkatauhan.
I. Ang lahat ay lantad sa paningin ng Diyos.
A. Kahit na tayo ay magtago sa kadiliman
Anu ang sinabi ng Psalmista dito? Kahit pa daw sabihin niya na takpan siya ng dilim, at kahit umaga pa ay gusto niya na takpan siya nito ng gabi. Sa mata ng Panginoon kitang kita pa rin niya ang kanyang mga taong kanyang nilikha. Kitang kita ng Diyos ang bawa’t kilos, bawat nasa isip mo at bawa’t laman ng puso ng kanyang nilikha.
Kinonfirm din ito ng author ng Hebreo, ito sabi niya:
“Heb 4:13: "At walang nilalang na nakukubli sa harapan niya, kundi ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa mga mata niya na ating pagsusulitan."
B. Ang pagkaiba ng dilim at liwanag sa Diyos
Ngayon, maaring sa ating mga mata, o kaalaman ang physical na liwanag at kadiliman ay talagang magkaiba. Diba physically alam natin pag gabi na dahil dumidilim? At umaga na pag lumiliwanag?
Ngunit sa mga mata ng Diyos, lahat ay transparent sa kanya, lahat ay nakikita niya, lahat ay alam niya.
Kaya nga sinabi ni Solomon sa Prov 15:3"
"Ang mga mata ng PANGINOON ay nasa bawat panig, sa masama at sa mabuti ay nagmamasid."
Dahil sa kanyang paningin nasa kadiliman man tayo o sa liwanag, kitang kita ka, kitang kita tayo ng Diyos.
II. Ang tao na siyang nilikha ng Diyos.
A. Ang dahilan kung bakit walang naitatago sa Diyos.
Matatanong tayo bakit alam ng Diyos ang bawat tao? Bakit walang maililihim sa kanya ang bawat nilalang? Ang sagot ng Bibliya, dahil siya mismo ang humulma sa atin. Sabi pa nga ng Psalmista, God knitted, hinabi, o tinahi. Diba pag sinabing knitted, talagang mabusisi? At kapag hinabi o tinahi mo ang isang bagay talagang malalaman mo ang kasuluksulukan ng damit?
Ito ang Diyos na gumawa sa atin, Alam niya ang bawat hibla ng cells sa ating pangangatawan. Kaya talagang masasabi ng Psalmista na kung paano ang pagkagawa sa atin ng Diyos.
B. Ang pagkagawa ng Diyos sa tao
Paano tayo ginawa ng Diyos? Sabi ng psalmista ang pagkagawa sa kanya ay Kakilakalabot at kamangha-mangha. Tingnan muna natin ang salitang kakilakilabot, or fearfully, anu ba ang ibig sabihin nito? Ang salitang ito ay hindi ibig sabihin na tayong nilkha ng tao ay mukhang nakakatakot? Hindi po ganyan bagama’t ito ay nagpapahiwatag sa pag gawa ng Diyos sa atin ng hindi maipaliwanag ng kahit kaninoman.
Parang ganito lang po yan, pagbinuksan natin ang ating tiyan, anu ma fefell natin? Dba nakakakilabot? Bakit? Kac naiimagine natin na ang itong mga parte ng katawan natin ay napakapagbigay buhay sa atin.
Ito sabi ni Sam Alberry “each one of us is individually handcrafted and there is something fearful about how we've been made... The human body is not just a human body. It is an extraordinary work of art by the God of all creation".1
Paano naman ang wonderfully o kamangha mangha? It is actually synonymous, ngunit mas ipinapakita nito ang kadakilaan ng Diyos sa paanong paraan? Noticed natin kung paano ginawa ng Diyos ang tao in proportion.
Ang ulo, ilong, mata, kamay, at paa. Lahat ay inorder at proportion. Imagine na lang natin kung ito ay wala sa order, ang mata ay nasa paa, ang butas ng ilong ay nasa tuktok, diba? Isa pang nakita kong kamangha-mangha sa pag gawa ng Diyos sa atin ay ganito, each and every human being has it’s own fingerprints.
Akalain mo, sabi sa survey approximately 8.3 billion human beings sa mundo2, ngunit ang bawat isa ay magkakaibang finger prints? Diba ang liit-liit lang naman nito at pagtiningnan natin at i-kompara ang fingerprints natin sa iba, diba parang makapareha, so dapat may possibility na magkakaroon ng kaparehas? pero ang totoo, maaaring magkamukha ang mga ito pero kapag atin sinura ang bawat guhit at detalye, magkaiba-iba. Diba kamanghamangha? Kaya sa pangatlong bahagi nakita natin ang tugon ng Psalmista sa Diyos ng sangkatauhan.
Ang tugon ng nilikhang tao sa Diyos.
Ang tugon ng pasasalamat
Unang unang tugon na sinabi ng Psalmista ay pasasalamat.
Totoo kapag nakita natin ang kamangha-manghang gawa ng Diyos sa atin.
The way He created us, the way He cares for us, and the way He covers us, talagang wala tayong ibang sasambitin kundi salamat Lord.
Ang tugon ng pagmangha at pagtitiwala
Bukod sa pasasalamat, ang Psalmista ay nagpakita din ng buong pagtiwala sa mga gawa ng Diyos sa kanya.
Ito ang sinabi ng Psalmista
“Ang iyong mga gawa ay kahangahanga; at iyon ay nalalamang mabuti ng aking kaluluwa."
Nilagak niya ang buong kaluluwa niya sa Diyos na siyang lumikha sa kanya.
Gustong gusto ko yung sinabi ni Paul Tripp sa book niya sa Parenting, ito sabi niya.
Every good thing in creation is designed to point you to the One who alone is able to give you the identity, peace, and meaning that your hearts seeks. - Paul Tripp3
Totoo ito, ang mga gawa ng Diyos sa atin ay tunay na nagdala sa atin upang mas lalo natin makita na mayroon pa lang Diyos na nagmamahal, nagaalaga, at magproprotekta.
Application:
Totoo na nilkha tayo ng Diyos ng kakakilabot at kamangha-mangha, ito ay nagpapakita na ang Diyos ay siyang kakilakilabot at kamangha-mangha din.
Nakakakilabot dahil ang sinoman na lumaban sa kanya ay hindi kailanman mawawagi.
Ito ang nakakalungkot, lahat tayo ay kaaway ng Diyos dahil sa kasalanan.(Eph 1:1-3, Romans 5:10) at dahil lahat tayo ay naghihimagsik sa Diyos dahil sa kasalanan, lahat tayo ay guilty, mamamatay at karapatdapat na parusahan.
Kaya tunay lang na nakakatakot ang Diyos natin.
Ngunit ito din ang kamangha-manha sa Diyos, Katulad ng nag ayos ng sirang relo, walang sino ang makakaayos ng sira kundi ang tagapaglikha lamang nito. Ganito ang ginawa ng Diyos, Sirang sira ang relasyon ng Diyos sa sang katauhan, kaya siya lamang ang tanging makakapag ayos nito. At ito ang ginawa niya: Si Kristo na siyang Diyos ay ibinigay sa sanlibutan, nagkatawang tao, upang maging sacrifice at perfect representative ng mga tao niya.
Kamangha-mangha dahil si Hesus na naging tao ay siyang tanging nakasunod ng batas ng Diyos.
Kamangha mangha dahil sa pamamagitan ng kanyang pagalay ng buhay sa krus ay tinubos niya ang kanyang mga tao sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus.
Kamangha-mangha dahil pagkatapos ng 3 araw siya ay nabuhay muli upang totally talunin ang kamatayan.
Now, sino ang mga tao ng Diyos na niligtas niya. Ito ba yung gumagawa ng mabuti? Hindi, ito yung mga taong nagsisi at sumampalataya sa kanya.
Purihin ang Diyos.
References:
1What Does It Mean to Be Fearfully and Wonderfully Made, Sam Alberry
2https://www.census.gov/popclock/world
3Parenting, Paul Tripp