top of page

Sunday School for Teen
(mula sa aklat na "Knowing the Living God by Paul Washer")

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang magkaroon ang mag-aaral ng personal na pakikipagtagpo(encounter) sa Diyos sa pamamagitan ng Kaniyang Salita. Batay sa paniniwalang ang Kasulatan ay kinasihan at walang pagkakamaling Salita ng Diyos, ang pag-aaral na ito ay idinisenyo sa paraang hindi makakausad ang mag-aaral nang walang bukas na Bibliya sa harap niya.
Ang layunin ay tulungan ang mambabasa na sundin ang panawagan ng Apostol Pablo sa II Timoteo 2:15:

“Magpakasipag kang ipakilala ang iyong sarili na subok ng Diyos, manggagawang walang dapat ikahiya, na tapat na naghahayag ng salita ng katotohanan.”

Ang bawat kabanata ay tumatalakay sa isang partikular na aspeto ng kalikasan at gawa ng Diyos. Tatapusin ng mag-aaral ang bawat kabanata sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong at pagsunod sa mga tagubilin ayon sa mga ibinigay na talata sa Kasulatan. Hinihikayat ang mag-aaral na magnilay sa bawat teksto at isulat ang kaniyang mga kaisipan.
Ang pakinabang na makukuha mula sa pag-aaral na ito ay nakasalalay sa antas ng pagsisikap ng mag-aaral. Kung sasagutin lamang ng mag-aaral ang mga tanong nang walang pagninilay, o basta na lang kokopyahin ang mga talata nang hindi sinusubukang unawain ang kahulugan nito, maliit lamang ang magiging tulong ng aklat na ito.

Ang Knowing the Living God ay pangunahing pag-aaral sa Biblia at hindi naglalaman ng maraming makukulay na halimbawa, kuwento, o komentaryong teolohikal. Layunin ng may-akda na magbigay ng isang akdang tumuturo lamang sa Kasulatan at hinahayaan ang Salita ng Diyos na magsalita para sa Kaniyang sarili.

                 Week 1                  Week 5                 Week 9                  Week 13                 Week 17                Week 21

                 Week 2                  Week 6                  Week 10               Week 14                  Week 18                Week 22

                 Week 3                  Week 7                  Week 11               Week 15                  Week 19                Week 23

                 Week 4                  Week 8                  Week 12               Week 16                  Week 20                Week 24

shutterstock_309076955_resized_edited.jp

A. Ang Pinakamahalagang Kaalaman sa Lahat

Saan dapat magsimula ang isang mananampalataya sa kanyang pag-aaral tungkol sa Kristiyanismo?
Ang sagot ay simple, bagaman hindi laging malinaw sa lahat: ang Kristiyanismo ay, higit sa lahat, tungkol sa persona at mga gawa ng Diyos.
Kaya naman, dapat tayong magsimula ng ating pag-aaral sa Kanya!

B. Mga Biyaya ng Pagkakilala sa Diyos

Ang mga pakinabang ng pagkakilala sa Diyos ay napakalawak kaya’t hindi lahat ay maaaring talakayin nang detalyado sa aklat na ito. Gayunman, babanggitin natin ang ilan sa mga pinakapangunahing pakinabang na tuwirang ipinahayag sa Kasulatan.
Sa mga susunod na bahagi ay matatagpuan ang apat na dakilang pakinabang na nagmumula sa makabaybiling pagkakilala sa Diyos.

shutterstock_309076955_resized_edited.jp

C. Mga Panganib ng Hindi Pagkakilala sa Diyos

Gaya ng mga pakinabang ng pagkakilala sa Diyos, ang mga nakapipinsalang bunga ng hindi pagkakilala sa Kanya ay napakalawak din kaya’t hindi lahat ay maaaring talakayin nang detalyado sa aklat na ito. Gayunman, babanggitin natin ang anim sa mga pinakapangunahing bunga na tuwirang ipinahayag sa Kasulatan.

WEEK 3

shutterstock_309076955_resized_edited.jp

D. Paano tayo dapat mamuhay ngayon

Matapos masaksihan ang dakilang kahalagahan na ibinibigay ng Kasulatan sa pagkakilala sa Diyos, dapat nating tanungin ang ating sarili: “Paano nga tayo dapat mamuhay?” o “Ano ang nararapat nating tugon?” Lagi nating tandaan na sa buhay Kristiyano ay hindi lamang mahalaga ang ating nalalaman, kundi pati na rin kung paano tayo mamumuhay batay sa ating nalalaman!

WEEK 4

shutterstock_309076955_resized_edited.jp

E. Ang Dakilang pinagmulan ng kaalaman

Natutuhan na natin ngayon ang tatlong mahahalagang katotohanan:
(1) Hinimok tayo ng Diyos na Siya’y hanapin,
(2) Nangako Siyang ipapahayag Niya ang Kanyang sarili sa mga humahanap sa Kanya, at
(3) Ang mga matuwid ay tunay na naghahanap sa Kanya.

WEEK 5

shutterstock_309076955_resized_edited.jp

E. Ang Diyos ay Iisa

Ang patotoo ng Kasulatan ay nagsasabi na iisa lamang ang tunay na Diyos. Ang paniniwala sa iisang Diyos ay tinatawag na “monoteismo” [mula sa Griyego: mónos = isa, nag-iisa + theós = diyos], samantalang ang paniniwala sa higit sa isang diyos ay tinatawag na “politeismo” [mula sa Griyego: polús o polýs = marami + theós = diyos]. Ang pananampalatayang Kristiyano ay monoteistiko.

WEEK 6

shutterstock_309076955_resized_edited.jp

E. Ang Diyos ay Trinidad (Trinity)

Ang salitang “Trinidad(Trinity)” ay nagmula sa salitang Latin na trinitas, na ang ibig sabihin ay “tatluhan/threefold” o “tatlo sa iisa.” Pinatutunayan ng Biblia na ang iisang tunay na Diyos ay umiiral bilang isang Trinidad: ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo.

Sila ay tatlong magkaibang Persona na maaaring makilala sa isa’t isa, subalit iisa ang kanilang likas na pagka-Diyos at sila ay nananatiling nagkakaisa sa walang patid na pakikipag-ugnayan.

WEEK 7

shutterstock_309076955_resized_edited.jp

The doctrine of the Trinity is not mere theological speculation but the clear teaching of the
Scriptures. However, it is not enough that we affirm the Trinity as biblical; we must also understand
something of its implications. In the following, we will mention some of the most obvious
and important ones.
1. The Trinity teaches us that God is relational. The Father, Son, and Spirit have existed together
throughout eternity in a mutual relationship of perfect unity and love. The believer
has been invited to enter into this fellowship (John 14:16, 23).
 

bottom of page